Abante Tonite Interactive

‘Anestisya’ ng JBK inayawan ng radio station

432

Nauunawaan ng JBK (Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Lawrenz Ordonio) kung ayaw patugtugin ng isang radio station ang kanta nilang “Anestisya”.

May patakaran kasi ang naturang istasyon na ‘wag mag-play ng may kinalaman sa alak, yosi. Nauunawaan daw nila ito.

Nasa lyrics kasi ang, “Isang tagay na lamang, isang lagok, malulunod din ‘yan…”

Sa kabila nito, pumi-pick up ang naturang kanta lalo’t panay ang promo nila ng naturang awitin. Kahit MYX ng ABS-CBN ay suportado sila.

Bilib ang JBK sa MYX dahil ‘di uso ang network war. Kahit Kapuso ay puwedeng mag-promote sa kanila basta tungkol sa music.

Pasado sa mga millennial ang kantang “Anestisya” na sinulat ni Jojo Panaligan at prodyus ni Rider.PH. Nasa playlist ito ng mga kabataan. Bet nila ang hugot ng kanta. (Roldan Castro)