Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang bagong tahanan ng mga OFW

0 290

Ang limang marathon hearing sa panukalang pagtatag ng Department of Overseas Filipinos o DoFil, heto’t inisponsoran na ni Sen. Joel Villanueva, chair ng labor committee ang panukala sa plenaryo ng Senado.

Mula sa DoFil na orihinal na ideya ng principal author na si Senador Christopher “Bong” Go, binago ito at ginawang Department of Migrant Workers and Overseas Filipino para ma-highlight ang concern ng OFWs.

Kapag naging batas na ito, ito ang magsisilbing tahanan ng ating mga bagong bayani. Sabi nga ni Sen. Joel, ito ay “isang bahay na pinag-ipunan ng deka-dekadang taon ng pagtatrabaho sa ibang bansa ng ating mga kababayan. Isang bahay para sa ating mga migrant worker at overseas Filipino”.

Sa ngayon, hiwa-hiwalay ang mga tanggalan at ahenisyang nagbibigay ng serbisyo sa ating mga OFW. Ika nga, nakikisilong lang tanggapan tumututok sa kanila sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng

Sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos, pag-uugnay-ugnayin ang mga ahensya at opisinang ito at ilalagay sa iisang bahay at iisang bubong, maliban po sa OWWA na magiging attached agency ng Kagawaran.

Bukod sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magiging attached agency sa ilalim ng DMWOF, ilalagay sa departamento ang mga sumusunod na mga ahensya ng gobyerno:

Ang Philippine Overseas Employment Agency, National Reintegration Center for OFWs, Philippine Overseas Labor Offices, at ibang mga functions ng International Labor Affairs Bureau, National Maritime Polytechnic, na bahagi ng Department of Labor and Employment.

Nakasaad din sa panukala na ililipat rin sa DMWOF ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, na isang sangay ng Department of Foreign Affairs, at ang International Social Services Office ng DSWD.

Kasama rin sa malilipat sa proposed DMWOF ang Commission on Filipinos Overseas mula sa Office of the President.

Paglilinaw ni Villanueva, hindi magiging polisiya ng gobyerno na magpadala ng manggagawa sa ibang bansa kapag natatag ang departmentong ito. Bahagi rin ng panukala ang tinatawag na sunset provision kung saan minamandato ang pagsuri sa kagawaran 10 taon matpaos itong buuhin.

Para nga raw nagtatayo ka ng isang bahay para sa mga OFWS at overseas Filipino dahil may ibubuti pa ang pangangalaga natin sa ating mga bagong bayani.

Ngayon nasa plenaryo, tiyak na magkakaroon ng matinding balitaktakan dito lalo na si Senate Minority Leader Franklin Drilon na numero unong tutol sa panukalang ito dahil magkakaroon lang daw ng overlap sa function ng ilang ahenisya ng gobyerno kapag naging batas ito.

Halos dalawang linggo na lang ang sesyon ng Kongreso o almost 8 session days na lang bago mag-sine die kaya alanganing maipasa ito bago mag-adjourn ang sesyon ng Senado.

Kung tutuusin long overdue nanga ito. Ilang beses na rin itong nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SONA at nakapasad na rin sa Lower House. Kaya lang, hindi na tiyak kung mairaratsada ito sa Senado bago mag-adjourn sine die.

Alam n’yo naman sa Senado, hindi uso ang minamadali ang pagpasa ng isang panukala kaya abangan na lang ang susunod ng kabanata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.