Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang batang operahan

0 168

Anuman ang ating nararamdaman, dalawa ang maaaring maging kategorya – ang isa ay medical, at sa pamamagitan ng pag gamot ay malulunasan ang kundisyon at ang pangalawa ay surgical na operasyon lamang ang paraan upang malunasan ang problema.

Ang sanhi ng kundisyon ay mekanikal at ang nararapat na lunas ay mekanikal din.

May pagkakataon na maaaring pareho ang kinakailangan na solusyon, lalo na kung hindi limitado sa isa ang kundisyon at madami pang ibang karamdaman o co-morbidities.

Ganunpaman, hindi lang sa matatanda ito ginagamit, kundi sa bata din. Ang tanong sa atin ay kailangan bang operahan ang bata, kahit ito ay sanggol pa? Hindi ba pwedeng saka na lang o di kaya ay huwag na lang.

Ang diagnosis ng isang kundisyon ay walang kinikilalang edad. Maaaring may predisposisyon sa bata o matanda ang karamdaman, ngunit ang mga ito ay maaaring mangyari sa bata at matanda.

Ang mas mahalaga ay kailangang malaman ang sanhi ng sakit at ang mga posibleng kumplikasyon nito.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga medikal na karamdaman lalo na sa mga bata ay ang mag sumusunod: sipon, sakit ng tenga, influenza o trangkaso, mga sakit sa baga gaya ng bronchitis at hika, mga paglalagnat dahil sa mag virus, sakit sa tyan, sinusitis at pananakit ng lalamunan.

Kabilang naman sa mag kinakailangang maoperahan ay kundisyon na apektado ang ulo, leeg, dibdib, ang buong abdomen at buto. Kasama dito ang mag pagtanggal ng tumor sa utak o brain tumors, pati ang pagtanggal ng tubig sa utak gaya ng may hydrocephalus, pagayos ng mga depormidad ng buto o congenital defects, pag repair ng mga congenital heart problems tulad ng hindi pagsara ng fossa ovalis at nangangasul ang baby.

Pati problema ng bituka gaya ng omphalocoele o paglabas nito sa katawan, mga kundisyong apektado ang spinal cord gaya ng pagkakabalda dahil sa impeksyon ng Pott’s disease o iba pang mga malformations gaya ng cleft lip and palate o kaya ang imperforate anus o walang butas ang puwetan. Kasama din pati na ang naaksidente.

Sa anumang mga kundisyon, ang inyong pediatrician ang syang gabay sa pinakamagandang lunas sa karamdamang kasalukuyan.

Lalong lalo na kung sya rin ang doktor, mula ng ipanganak si baby at nababantayan ang paglaki nito.

hindi lang kung may sakit nila nakikita kundi sa mga well baby check ups o regular check ups din. Kung kinakailangan naman maoperahan, mayroon ding pediatric surgeon, na syang ispesyalista sa pagopera sa bata, pati sa mga sanggol. Sila ang makakatulong maggabay sa desisiyong kinakailangan.

Huwag katakutan isangguni ang kundisyon ng inyong mag anak. Maraming mga eksperto na maaaring magpayo sa inyo ng nararapat na gawin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.