Abante Tonite Interactive

Ang cake para sa mga kapatid

552

Napanaginip kong kasama ko ang mga kapatid kong lalaki. Itinuturo ko raw sa kanila ang naka-display na cake sa convenience store na pag-aari daw namin. Sa aking pana­ginip, sinasabi ko sa mga kapatid ko na iuwi nila ang cake. Alam ko rin na walang espesyal na okasyon pero dahil espesyal ang flavor ng cake, gusto kong matikman ito ng mga kapatid ko. Nagising akong magaan ang pakiramdam.

Ang cake ay itinuturing na espesyal dahil madalas na konektado ito sa espesyal na okasyon. Itinuturing din itong sweet na regalo. Ang cake sa panaginip ay kadalasang positibo ang sinisimbolo at maikokonek sa mga espesyal na tao para sa iyo gayundin sa mga pinapahalagahan mo sa buhay.
Ang cake ay itinuturing din na simbolo ng pagmamahal mo sa ibang tao. Sa iyong panaginip ay kasama mo ang iyong mga kapatid at maikokonek mo ang cake sa pagmamahal mo para sa iyong mga kapatid. Tulad ng cake, espesyal para sa iyo ang mga kapatid mo. Inilalagay mo sila sa isang espesyal na pedestal na kaiba sa pagturing mo sa ibang tao tulad din ng cake na nakita sa iyong panaginip.
Sa iyong panaginip, alam mong espesyal ang cake at pinili mong ibigay ito sa mga kapatid mo. Dahil para sa iyo ay espesyal ang iyong mga kapatid.

Sa aktuwal na buhay, ganito rin naman ang pagturing mo sa mga pamilya mo at bukal sa puso mo ang pagmamahal sa kanila kaya naman hanggang sa panaginip ay ito pa rin ang ipinaalala ng iyong isip.

Pero bakit nga ba ganito ang napanaginip mo? Maaring may pinagdaraanan ka ngayong situwasyon na may kinalaman sa pamilya mo. Posibleng sa aktuwal na buhay ay nahihirapan ka sa isang sitwasyon pero kinakaya mo itong gawin para sa iyong mga minamahal. Maaaring nag-aalala ka para sa iyong mga minamahal.

Related Posts

At tulad ng cake sa iyong pana­ginip na gusto mong ipatikim sa kanila, sa aktuwal na buhay ay gusto mo silang alalayan. Kung dumaraan ka nga sa ganitong situwasyon, anumang hirap na kaakibat nito ay balewala sa iyo dahil bukal sa iyong puso ang pagtulong sa iyong pamil­ya kung saan hindi mo sila kayang pagkaitan.

At posibleng hindi mo man naibibigay lahat ay sinasabi ng subconscious mo na kung kaya mo lamang ay ibibigay mo ang lahat para sa kanila.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.