Abante Tonite Interactive

Ang dami mong kaaway. Ganun pala ‘yon — Andrea

Dahil sa politika:

By
477

Bukod sa anak na si Bea, sa dyowang si Anthony, at sa iba pang showbiz commitments, ang pagiging Vice Mayor nga ng Calatagan, Batangas ang pinagtutuunan nang husto ng pansin ni Andrea. Hindi na­ging madali sa kanya na pasukin ang politika.

“Nung unang inalok nila ako ng kumandidato, umayaw talaga ako. Pero, nung nag-elections ulit, inalok na naman nila ako, then pumayag na ako. At nanalo nga akong Vice Mayor.

“Pero nag-aral naman ako talaga. Nag-Masters ako ng entrepreneurship. Kumbaga, 2 years before ako kumandidato, pinag-aralan ko naman talaga lahat. At inalam ko rin ang mga problema ng mga tao sa Calatagan.

“Sa totoo lang mahirap ang politics sa province. Kailangan kilala mo lahat ng tao. Challenging talaga. Eh, hindi naman talaga ako lumaki roon. Pero, nandun talaga ang mga roots ko.

“Pinakamahirap sa politics, dati sa showbiz parang ang dami mong kaibigan. Pero sa politics, parang ang dami mong kaaway. Ganun pala ‘yon.

“Another challenge, alam naman natin na ang showbiz ang bread and butter ko. Time management to do that ang isa sa dapat mong isipin. Motherhood. Public service. Medyo mahirap na pinagsasaby-sabay talaga.
“Pero no regrets sa pagpasok ko sa politics.”
Tatakbo pa ba siya sa susunod na taon?

“Wow! Pero sa ngayon 4 movies ang ginagawa ko. ‘Yung isa kay Anne Curtis, ‘yung Aurora na pang-MMFF. Then ’yung isa ang title Para sa mga Broken Hearted, sina Yassi Pressman ang bida. Then, with Nadine Lustre. And then, ‘yung movie with Cristine Reyes movie, ‘yung Maria, na asawa naman ng politician ang role ko. Then, may gagawin din akong teleserye. Nakakatuwa!”