Abante Tonite Interactive

Ang ‘demonyong’ lumuray sa puri ng kabataan

480

Batay sa inilabas na resulta ng medico-legal officer na sumuri kay Jane, laspag na laspag o ‘overused’ ang kanyang pagkababae dahil sa dami ng mga lala­king gumamit sa kanya, bukod pa sa mga ‘sex toys’ na ipinasok sa kanyang kaselanan.

Hinala naman ni Director Magalong, si Jerrie ang ama ng bata dahil batay sa pahayag ni Jane, nagsusuot ng condom ang mga dayuhang gumagamit sa biktima habang madalas ay hindi na naglalagay nito sa Jerrie sa pagnanais na masiyahan ang mga dayuhang nanonood sa kanilang live show sa internet mula sa umpisa ng kanilang pagniniig hanggang sa umabot sa sukdulan.

Ayon kay Senior Supt. Fama, bukod sa ibi­nabayad ng mga dayuhang nanonood ng live performance ng pagtatalik nina Jane at Jerrie, hinihimok din ng lalaki ang mga dayuhan na magtungo sa Pilipinas upang matikman ang alindog ng kanyang mga alaga.

Pinapangakuan umano ni Jerrie ang mga dayuhan na nagnanais magkaroon ng asa­wang Pinay na siya ang bahalang umasikaso sa mga dokumento at papeles kung nais nilang makapag-asawa ng dalagang Pilipina.

Una’y naghinala ang WCPU ng CIDG na isang malaking sindikato ang humahawak kay Jerrie lalo na’t karamihan sa kanyang mga kli­yente ay pawang mga dayuhan kaya’t nakipag-ugnayan sila sa Federal Bureau of Investigation (FBI) International Justice Mission, Australian Police, National Bureau of Investigation (NBI) at mga lokal na ahensiya ng Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tumulong sa kapulisan sa gagawing paniniktik sa aktibidad ni Jerrie.

Makaraang matapos ang mga prosesong kinakailangan para sa paghahain ng kaukulang asunto, inihain ni Jane ang kasong mga paglabag sa Anti-Rape Law, Human Trafficking at pag­labag sa R.A 10175 na kilala bilang Cybercrime Prevention Act laban kay Jerrie at sa ilang mga dayuhan na nakilala niya na may mga pangalang Patrick Powell na isa umanong Australiano, Gunter Dinge, Maurice Blose, John Hudson, isang alyas na Ramil at marami pang iba na hindi na niya lubusang nakilala sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Hindi na muna kinailangan pang ilunsad ng CIDG ang pag-TUGIS sa mga kinasuhan, lalo na’t batid nila na nakaalis na ng bansa ang mga nabanggit na dayuhan habang under surveillance na ang mga aktibidad ni Jerrie upang tuklasin kung sino pa ang kanyang mga kasabuwat at anong sindikato ang kanyang kinaaaniban.

Matapos ang halos isang buwang paniniktik ng mga tauhan ng CIDG kay Jerrie Arraz, natuklasan nila na nag-iisa lamang sa kanyang illegal na aktibidad ang lalaki at walang kinaaanibang sindikato.

Siya lamang ang nagsisilbing bugaw, gumagawa ng kahalayan sa mga alaga niyang menor de edad at siya rin ang kumokontak sa mga dayuhang parokyano na nagnanais makapanood ng mga live sex show o matikman ng personal ang kanyang mga alaga.