Abante Tonite Interactive

Ang ‘demonyong’ lumuray sa puri ng kabataan

By
304

Nobyembre 14, 2014 nang ikasa ng CIDG, kasama ang US Homeland Security at Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang pagsasagawa ng entrapment operation ­laban kay Jerrie.

Isang dayuhan ang ginamit ng CIDG sa kanilang ikinasang entrapment operation laban kay Jerrie na kunwa’y nagnanais na makipagtalik sa isang alaga ng lala­ki at handang bumayad ng malaking halaga.
Tulad ng inaasahan, nagtungo si Jerrie sa isang hotel sa Pasay City kung saan sila magkikita ng dayuhang kli­yente.

Ang hindi alam ni Jerrie, may mga inilagay nang gamit ang CIDG sa silid na pagtatagpuan nila ng kanyang dayuhang kliyente na magre-record sa isasagawa nilang transaksiyon.

Nang pumasok si Jerrie sa silid, kasama ang kanyang menor de edad na ibebenta sa dayuhan, ipinagmalaki pa niya na puwedeng gawin ng kanyang kli­yente ang lahat ng uri ng sexual act at puwede rin niyang languin sa droga ang kapareha bago niya isagawa ang pakikipagtalik.

Nai-record din ni SPO3 Christopher Artuz, na siyang nanguna sa entrapment operation, ang sinabi ni Jessie sa dayuhang nagpanggap na kliyente na puwede rin siyang humiling ng karagdagan pang menor de edad na babae na magsasagawa ng kani-kanilang pagpapaligaya sa sarili na kanyang panonoorin nang personal pati na ang pagsasagawa sa kanya ng oral sex.

Humingi pa si Jerrie ng salapi sa dayuhang asset ng CIDG para pambili ng condom at nang muling nagbalik sa loob ng silid ay may bitbit pang karagdagang sexual performance enhan­cing supplement o gamot na pampagana sa pakikipagtalik at alak.

Nang matiyak ng mga awtoridad na tapos na ang pakikipagnegosasyon ni Jerrie sa dayuhan, dito na puwersa­hang pumasok ng silid si SPO3 Artuz, kasama ang kanyang mga tauhan at ang kinatawan ng US Homeland Security at DSWD upang dakpin suspek.

Nasagip din ng mga tauhan ng CIDG at DSWD ang menor de edad na dalagitang ipapagamit sana ni Jerrie sa kanyang inaakalang parokyano na kanya ring ni-recruit sa malalayong lalawigan ng Visayas at Mindanao.

Kasabay rin nito ang pagsalakay ng mga tauhan ng CIDG at mga kinatawan ng DSWD sa kanyang tatlong palapag na tirahan sa Creekside Pilot, Area 3, Bara­ngay Commonwealth sa Quezon City kung saan nasagip ang anim pang mga menor de edad, kabilang ang kapatid ni Jane na si Josie at ang 15-anyos na binatilyo na maagang nakaladkad sa kalaswaan.

Nakumpiska rin sa bahay ni Jerrie ang iba’t ibang uri ng mamaha­ling sex toys tulad ng vibrator, dildo, mga la­rawan ng hubo’t hubad na katawan ng mga babae’t lalaki, Viagra, birth control pills, iba’t ibang flavor ng condom, lubricants, mga damit-panloob ng kababaihan, personal computer sets, laptops at iba pang gadgets.

Natuklasan din ng mga pulis na ang lahat ng mga silid sa tatlong palapag na bahay ni Jerrie ay may nakalagay na camera kung saan naire-record ang ginagawa niyang pakiki­pagtalik sa mga menor de edad na alaga at ito ang kanyang ipinapapanood sa mga dayuhan niyang parokyano.