Abante Tonite Interactive

Ang galing ni Sarah G. at Milo sa ‘Unforgettable’!

158

Dear FURRever FURRiends:
BowoWOW! Lumabas na pala ang dog mo­vie ni Sarah Geronimo na ang pamagat ay ‘Unforgettable’!
Nu’ng nakita ko ‘yung movie poster, si Sarah na may kayakap na cute doggy, naisip ko: What?!!! walang ka-love team si Sarah?!!! Magki-click ba ito sa mga fans?

So, pumunta ako sa sinehan para panoorin at tingnan kung ‘unforgettable’ nga ba ang pelikulang ito. At ito ang aking review:
Ang ‘Unforgettable’ ay isang kuwento tungkol sa isang dalagang autistic na si Jasmine (Sarah) at ang kanyang mapagmahal na Lola Olive (Gina Pareño) at kung paano na-touch ang buhay nila ni Happy (Milo, the celebrity dog), isang asong sinaklolohan ni Jasmine.

Sa loob ng one and a half hours sa sinehan, ako ay napahalahak, nainis, napanganga, natakot, napangiti, naiyak at napahalakhak muli. Lahat na yata ng emos­yon sa diksyonaryo ay naramdaman ko habang pinapanood ko ang journey ni Jasmine. Bihira lang po na tumulo ang luha ko sa pelikula kaya hindi ko ine-expect na basa na pala ang aking mga pisngi sa dulo ng palabas.

Ang isa pang emos­yon na naramdan ko ay pagkamangha kina Direk Perci Intalan at Jun Lana dahil ni minsan ay hindi pinaliwanag sa istorya kung bakit kakaiba ang mga galaw ni Jasmine. Siya pala ay autistic. (Congrats din kay Sarah dahil napaka-realistic at hindi OA ang kanyang portrayal of autism!)
Mas gusto ko kasi ang mga pelikulang hindi palaging nag-e-explain ng mga bagay. Para naman mapaisip ang manonood.

Pero dahil pamilyar ako sa autism, agad kong nahulaan na iyon ang kundisyon ng dalaga. Ang pagiging autistic po ay HINDI mental illness kundi isang kondisyon kung saan kakaiba ang communication at behavior ng isang tao.

Sa kuwentong ito, dalawa lang ang nakakaintindi kay Jasmine sa kabila ng kanyang autism – sina Lola Olive at Happy.

Talagang may po­wers ang ating mga lola at mga doggie!
Ang isa pang nakakatuwa sa ‘Unforgettable’ ay ang mga ca­meo role na ginampanan ng mga sikat na artista tulad nina Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Regine Velasquez, Dennis Padilla, atbp. Sa dulo rin po ng istorya ay may surprise guest!
Para sa akin, ang diwa ng ‘Unforgettable’ ay makikita sa sinabi ni Lola Olive kay Jasmine:

“Kaya ikaw apo, ma­ging mabait ka lagi sa tao… sa hayop. Bumabalik 1 million times ang kabutihan.”

At kung akala natin na walang ka-love team si Jasmine, nagkakamali po tayo. Ang love team po sa kuwentong ito ay sina Jasmine at Happy.
Nagmamahal,
Joyce