Abante Tonite Interactive

Ang gunting

1,400

Napanaginipan kong hinahanap ko daw ang gunting. Nang makita ko ang ­gunting, humarap daw ako sa salamin at gi­nupit ko ang bangs ko. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Ang gunting sa panaginip ay sumisimbolo sa separas­yon. Ang gunting ay itinuturing na isang armas na pambabae. Tulad ng karaniwang gamit ng gunting, ang ganitong panaginip ay indikasyon na may kailangan ka nang putulin o tapusin sa aktuwal na buhay.

Sa iyong pana­ginip, nang makita mo ang gunting ay ginupit mo ang sarili mong buhok. Kung ikokonek ito sa aktuwal na buhay, masasabing may gusto ka ngang tapusin o baguhin sa ­buhay mo at anuman ito ay desidido kang gawin ito.

Pag-aralan ang iyong kasalukuyang sitwasyon, ano ang meron sa iyo na gusto mo nang baguhin? Maaaring isang hindi magandang nakagawian o bisyo at desidido ka nang alisin ito sa buhay mo. Posible ring isang tao na may kaugnayan sa iyo o isang relas­yon na gusto mo nang tapusin. Puwede ring isang kaibigan na gusto mo nang layuan o kaya naman ay isang sitwasyon kung saan gusto mong kumawala.

Related Posts

Tanging ikaw lamang ang nakakaalam ng sitwasyon mong pinagdaraanan. Pag-aralan itong mabuti at dito mo makikita kung ano ang naging kaugnayan ng iyong panaginip. Ang ating mga panaginip ay kadalasang paalala ng ating subconscious. Maaaring ipinapaalala ng iyong subconscious na oras na para ipatupad ang pagbabago. Oras na para putulin mo kung anuman ang sitwasyon, tao o bagay na nagiging pabigat na lamang sa iyo.

Maaari din naman na sa aktu­wal na sitwasyon mo ay wala kang intensyong baguhin ang isang nangyayari. Ito ay dahil ang gunting sa iyong panaginip ay puwede ring indikas­yon na nahahati at nagtatalo ang iyong kalooban tungkol sa dapat mong gawin.

Kung matukoy mo ang sitwasyon o ­bagay na ito, makaka­-aksyon ka alinsunod sa tunay mong kagustuhan. Gamiting gabay ang iyong naging pa­naginip – ang gun­ting na puputol sa ­lahat ng ito.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.