Abante Tonite Interactive

Ang, iba pa sa Miggy stagfest

0 128

Daragsa ang libo-libong sabungero sa main event ng sabong festival sa Pasay City Cockpit, sa larga mamaya ng Miggy Big Event 6-Stag Derby na may 100 sultada.

Sinimulan ang tatlong araw na espesyal na mga sagupaan sa PCC nitong Lunes sa may 60 labanan sa MAD Sa Pasay 5-Stag Derby at sa may 144 siyapolan sa Encuentro Big Event 6-Stag Derby Miyerkoles.

Mangunguna si host Michael Tiqui ng Bulacan sa bakbakan ng Central Luzon at Metro Manila bigtime cockers sa pasabong na ito na itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ilan pa sa kasali sina sabong idol Patrick Antonio, Juan Miguel Ignacio, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Mayor Nene Aguilar, Cholo Violago, Bulljack Fortaleza at Jepoy group, Arman Santos, Jojo Cruz, Rodolfo Pineda, Sandy Palito, Lito Orillaza, Mayor Henry Villarica at Nestor Mercado.

Aabot sa P1M cash at special trophy ang ipagkakaloob sa kampeon.

Bitaw rin sa PCC ang Sandy Palito Big Event 6-Stag Derby sa Nobyembre 25 at ang Digmaan National 11-Stag Derby 3-stag elims sa Nob. 28.

Kontakin para sa iba pang detalye sina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 843 1746 at 816 6750. (Enjel Manato)