Abante Tonite Interactive

Ang, Lagon pasok sa World Gamefowl Expo

299

Sisimulan ang taunang 10th World Gamefowl Expo (WGE) 2020, bukas, Enero 17 na tatagal hanggang Linggo sa World Trade Center sa Pasay City na dadaluhan nina Charlie ‘Atong’ Ang ng Pitmasters group at Ako Bisaya Partylist Rep. Sonny Lagon.

Proyekto nina Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano at World Expos and Concepts general manager Racquel Romero, sikat ngayon ang WGE bilang mahalagang aktibidad para sa pagtitipon ng mga sabungero’t karerista ng kalapati.

“From being a simple pastime of Pilipinos, cockfighting is now a national passion of the nation,” pahayag nitong Miyerkoles ni Romero.
Bisita rin dito sina Doc Ayong Lorenzo ng Excellence Gamefowl and Livestock Dpecialists, 2019 World Slaher Cup 1 champion Chris Copas, Domvy Haley ng Kentucky, Erik Rosales ng United States Gamefowl Breeders­ Association at Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Mitra. (Enjel Manato)