Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang lodi ng mga taga-Quezon

0 221

Habang papalapit ang halalan, patuloy ang pagdami ng mga supporter ni Quezon 4th District Representative Doktora Helen Tan. Bakit? Eh kasi kaliwa’t kanan ang mga proyekto ng ale sa kanyang distrito at sa buong lalawigan.

Sabi ng aking mga kamag-anak sa Quezon, likas na matulungin at madaling lapitan si doktara. Kahit nga raw ang mga taga-barangay na nagcha-chat o lumalapit sa kanya ukol sa kanilang mga problema, agad niyang inaaksyunan.

Minsang lumapit kay Dr. Helen si Kagawad Renan Ferrer ng Brgy. Concepcion Palasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen. Hindi na nagdalawang isip pa si doktra ang agad niyang napagkalooban ng kailangang tulong.

Maging ang kapulisan ay hindi pinababayaan ni doktora at nagpada siya ng dalawang sets ng computers sa pulisya ng bayan ng Calauag. Alam n’yo naman, kailangan ng mga alagad ng batas sa kanilang trabaho ang computer, kaya malaking tulong ito para sa kanila.

Hindi lang kay “The Gov Doctor” Helen nagpasalamat ang mga miyembro ng Calauag PNP kundi maging kay Atorni Mike Tan. Maging ang tulay na mag-uugnay sa ilang barangay sa Calauag ay sinimulan na. Naging dahilan ito para humanga pa lalo kay Doktora Helen ang maraming kapwa niya public servants.

Sabi nga, serbisyong tunay at natural ang dala ng kongresista. Ang tulay daw na ipinagagawa, ayon kay Doktora Helen, ay para sa mga nakatira sa Barangay Tiniguiban, Brgy. Tamis, Brgy. Sinag at Brgy. Dapap.

Nakabibilib dahil alam talaga nina Doktora Helen at Atorni Mike na ang maayos na daan ay susi sa kanilang masaganang kabuhayan. Ganyan ang mga proyektong napapanahon at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Quezon. Saludo sa kanilang dalawa!

###

Bistek walang loyalty?

Kakaiba din itong senatorial candidate, ex-Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista, mukhang namamangka sa dalawang ilog. Tila sigurista ang dating, ayon sa ating source.

Matapos kasing isiksik ang sarili at magpa-endorso kay Tito Sen (Senate President Vicente Sotto) sa Nationalist People’s Coalition, eh mukhang hindi naman loyal sa kanyang partido.

Sabi ng ating source, nakikipagsiksikan daw kasi ngayon si Bistek sa UniTeam nina Bongbong Marcos at Mayor Sara. Masama daw ang loob ng NPC kay Bistek dahil mas gusto niyang sumama sa caravan ng UniTeam kesa sa kanyang partido. Asan ang loyalty niya?

Kung ako naman kay Bistek, mamili na lang siya ng gusto niyang partido. Simple lang naman yan, mag-resign siya at pormal siyang tumalon sa UniTeam. Okay, guest candidate din siya ng UniTeam, pero huwag naman niyang dedmahin ang NPC.

Kung ganyan din lang siya, malamang sipain na lang si si Bistek sa NPC dahil sa kawalan niya ng loyalty sa partido. Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.