Abante Tonite Interactive

Ang mami-miss ng pamilya, mga kaibigan kay Isa

By
11

MAY kanyang-kanyang deskripsyon ang maraming nakakakilala kay Isabel Granada noong ito ay nabubuhay pa.

At ang mga ito ay mga kasamahan niya sa showbiz mula pa noong bata pa siya bilang child star at hanggang sa magdalaga, magka-asawa, nagkaanak at magkaroon muli ng panibagong pag-ibig.

Ilan sa mga celebrities at kapamilya ang nagbigay ng mga ala­ala nila tungkol kay Isabel nang makapanayam namin sila sa wake ng aktres noong Biyernes ng gabi, Nov. 10, sa Santuario De San Jose Greenhills, San Juan.

BILLY JOE CRAWFORD: Hinding-hindi ko makakalimutan first of all ang mukha. Napakaganda and I’ve never had any bad experience with Ate Isa. I started my career with Isa at saka si Kuya Robert Ortega at that time. I would ne­ver be able to forget her.  Ang taas ng energy, always happy, always smiling, always…she’s ready for eve­rything.

KEEMPEE DE LEON: Ako lagi ko lang talagang..doon sa recent interview ko sa kanya sa Jessica Soho..bungisngisin ‘yun e. Walang dull moment, hindi mo siya makikitang nakasimangot, laging nakangiti ‘yan e. Tapos ang batian namin ‘uy!’ ‘uy!’ Parang one of the boys ‘yan e. Saka laging nakangiti, tawa lang nang tawa, mababaw ‘yan e. ‘Yan ang gusto kong maalala sa kanya na iti-treasure ko. Saka ang sarap kausap, ma-personal man, walang yabang sa katawan. Nakausap ko si Mama Gwapa, traydor na sakit ‘yan e. Hindi natin alam kung ano talaga ang reason. Sabi ‘yung iba over thinking..wala, maging maingat na lang tayo.

TESSIE TOMAS: ‘Yung beauty niya at saka ‘yung talent niya.  Natutuwa ako kasi may pagka-light hearted din, ‘yung eyes niya, up and down ang kanyang mascarra. Mahaba na ang pilik-mata niya, naka-up and down pa ang mascarra niya. ‘Yun ang lagi kong naaalala sa kanya.

CIARA SOTTO: Siyempre, I’d like to remember her as a good performer kasi doon ko siya nakasama, dancer, singer, sa ASAP. Saka palagi kaming magkalaban sa cheerleading ng Star Olympics.  She’s very athletic, fitness buff.

SHIRLEY FUENTES: First of all nitong mga last few months, kami talaga ang magkasama. Bago siya nag-Qatar, magkasama kami sa Dubai. Nag-Dubai muna kami for one week then after two days nag-Qatar naman siya. So, nagkasama kami sa MMK.  Ito ‘yung times na lagi kaming magkasama, nagti-text kami palagi. Of course, I want to remember her na lagi kaming magkasama sa mga ballroom dancing, sa mga kumpetisyon na kapatid ko talaga. She’s a person na walang masamang tinapay e, kahit pa-tumbling-in mo.

ARNEL COWLEY: I remember my wife as a loving person, since we’ve been together we were actually inseparable talaga. Wherever she is I’m there. Wherever I am, she’s always there. But the thing that always strucks me about my wife is the fact that she’s very loving, she’s very accommodating to people, not only the fact that she adored more kids as well.  And all in all Isabel is a package to me talaga. Kasi she does not have any bad bone in her body.  Although there are somethings that went on in her life na she kept it to herself.  But you ne­ver heard her say anything bad towards anyone talaga. I always remember my wife as the most beautiful and ca­ring person. She’ll be very-very missed by a lot of people.  And she is irreplaceable for me talaga.

MOMMY GWAPA: Naalala ko ang anak ko, walang kapantay sa kabaitan. Alam mo iba talaga, ‘yan ang pinakamahal ko sa buhay, siyempre, mo­ther ako. Ibang pagmamahal sa mga anak, iba rin sa mo­ther. Pero napakabait niyang anak, matigas lang ang ulo ‘pag nai-in love, ‘yan lang ang problema.  Pero the rest, napakabait. Alam mo, kasi ako mataray din ‘pag ako nagagalit, kaya minsan tini-text ko, ‘yan ang nangyari sa buhay niya, naghiwalay, ibinibigay ko ang mga consensus ko. Kahit anong katarayan ko, never ako sinasagot niyan.  Maliit hanggang tumanda never siyang sumasagot..Sinasabi lang niyan, ‘Mama naman, huwag kang ma­galit’. Mabait talaga. Sobra talaga.

CHUCKIE DREYFUS: More than half of my life I think, more than ‘That’s Entertainment’, kababata ko siya.  I want to remember her as a person on how she changed my life for the better. A person na ang laki ng parte ng buhay ko na kasama nu’n. I remember her as a person hindi lang kaibigan, hindi lang kapatid, napakalalim ng relasyon namin. Someone who has always been a big impact in my entire life talaga at sa pamilya.  And alam ko na hindi ako ngayon, kundi dahil kay Isabel. Ang dami na­ming ginawang pelikula, halos lahat Regal Films. Naging Regal Baby kami. Lahat halos ng pelikula, magkatambal kami.Tapos ‘That’s Entertainment’ kami ang magkatambal. Nag-Happy House kami kasama si Tito Sotto, kami pa rin magkasama kahit magkapatid kami.  Commecials kami pa rin ang magkasama. So, tapos after ng show business, naging ninang pa siya ng anak ko, tapos naging ninang ‘yung misis ko ng anak niya. Talagang dikit talaga kami.

JERICHO AGUAS: Well, isa siya sa mga pinakamahalagang parte ng buhay ko.  Of course, ‘yung aming pagmamahalan nagbunga ng nag-iisang anak namin.  Bagama’t after 14 years hindi man nag-work ang aming marriage, me­ron siyang partner, me­ron akong partner. Ako naniniwala ako na nanatili ‘yung bond namin na kami lang dalawa ‘yung nagkakaintindihan.
“She’s very active, very beautiful, very supportive, very ca­ring and I know if she’s up there she’s watching over me.”

HUBERT GRANADA AGUAS: As the same person I knew, very active, very beautiful, very supportive, very caring and I know if she’s up there she’s watching over me and..Actually po when I heard about the news parang hindi ako maniwala.  Ayun nga po..kasi usually po nagpaparamdam sila pero po sa akin hindi e.  Pero sa iba kong relatives before daw what happened, before daw noong nalaman ni Papa, ‘yung mga maids namin sa bahay nagkuwento po me­ron silang naririnig, may nagtitimpla ng kape, may luma­lakad sa taas. Although, wala naman pong tao doon, because we were out of town..opo, doon po sa bahay po namin sa Angeles. Then my Aunt po had a dream about mama, she described seen her na very beautiful po na parang handang-handa na po pumunta sa taas. Ako po, wala po akong na-feel.