Abante Tonite Interactive

Ang may libreng Covid test sa PBA

0 306

Sisiguruhin ng San Miguel Corporation (SMC) na maging maayos ang kaligtasan at kalusugan ng pamilya sa Philippine Basketyball Associuation (PBA).

Kaya naman lahat ng 41 empleyado ng propesyonal na liga sa pamumuno ni commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial nakatakdang pagkalooban ng free COVID-19 testing sa ni SMC Vice Chairman, President at COO Ramon S. Ang sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.

Nakapahnadog na rin ang higanteng korporasyon, na laging nasa unahan ng gobyerno sa pagpigil sa pagkalat coronavirus disease 2019 o COVID 19, ng testing booths at kits sa may 17 Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) para mas mapalawak ang testing capacity ng bansa kontra sa global outbreak.

Sa pamamagitan ng umbrella group ng koponan nito sa liga na San Miguel Beer, Magnolia Chicken, at Barangay Ginebra San Miguel , nag-donate na rin ng RT-PCR testing machines at automate RNA machines sa pangunahing government hospitals.

Kaya naman sunod nitong aasikasuhin ang sariling bakuran sa free test sa mga taga-PBA na isasagawa sa SMC headquarters sa Ortigas, Mandaluyong.

Binisita ni SMC sports director at Ginebra board governor Alfrancis Chua ang PBA office noong Lunes kung saan nagkita sa unang pagkakataon ang PBA Management Committee makalipas ang dalawang buwan o sapul ilagay sa Enhanced Community Quarantine ang bansa noong Marso 17.

Pinabatid ni Chua kay Marcial at sa PBA ManCom ang ginintuang puso ni Ang, na lahat ng regular PBA employees may libreng COVID-19 testing.

Pinasalamatan naman ni Marcial ang SMC executive sa alok.

Hinirit Marcial na ito ay isang malaking hakbang tungo sa nais tunguhin na direksyon ng liga upang agad na maipagpatuloy ang naudlot na 45th season na kasalukuyang indefinitely suspended dahil sa pandemic. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad