Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang mensahe ng Manger

0 476

Dear FURRever FURRiends,

Ilang araw nalang at Pasko na! Pero kakaibang mundo ang babati kay Baby Jesus – isang mundo na natigil dahil sa Covid-19. Dahil dito, marami sa atin ang nakabalot sa kalungkutan. Ang tanong natin: Nasaan na ang Christmas Spirit? Kailan matatapos ang virus na ito?

Mga minamahal kong PETmalu, ito po ang katotohanan: May pag-asa tayo at makikita natin ito sa larawan ng belen dahil ito ang patunay na pati si Jesus, ang King of Kings, ay naranasan ang isang mundo na puno ng krisis at kalungkutan.

Nung panahon na iyon, sina Joseph at Mary ay pumunta sa Bethlehem dahil sa utos ng Emperor Augustus na umuwi ang mamamayan sa kanilang mga bayan. Magkakaroon daw kasi ng census o pagbilang ng mga tao for tax collection purposes.

Buntis si Mary, malapit nang manganak. Pero wala silang mahanap na matutuluyan sa Bethlehem. Kaya isang kamalig nalang ang naging birthplace ng ating Saviour at inilagay ni Mama Mary si Baby Jesus sa isang ‘manger’ – o sabsaban ng mga hayop.

Bagaman walang binanggit sa Bibliya kung may mga hayop na naroroon sa kapanganakan ni Jesus, ito ay ganap na posible. Kaya makikita natin sa mga belen ang sheep, oxen, goat, camel at donkey. Siyempre, tayong mga animal lovers, gustong-gusto natin ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero kahit walang hayop na sumaksi sa pagsilang ni Baby Jesus, malinaw ang bibliya na ang Kanyang unang crib o kuna ay isang sabsaban lamang!!! Isang pinagkakainan ng mga hayop! Bilang isang dog-lover, kinukumpara ko ito sa dog-food bowl ng aso ko. Oh my goodness! Hindi ko talaga ma-imagine na ganyan ang unang tulugan ng aking Lord and Saviour.

Pero kahit napakababa nito, may mensahe ang sabsaban ni Jesus para sa atin sa Pandemya – Naiintindihan ng Panginoon ang ating paghihirap at kawalan ng pag-asa dahil siya rin ay dumaan sa matinding pagdurusa.

Kung kayo ay nalulungkot ngayong Pasko, itago niyo sa inyong puso ang mensahe ng manger na galing sa Luke 2:10 – “Sinabi sa kanila ng angel “Huwag kayong matakot! May magandang balita ako para sa inyo. Magbibigay ito ng malaking kasiyahan sa lahat ng tao. Pinanganak ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas nyo! Sya ang Christ, ang Panginoon! Ito ang palatandaan nyo: makikita nyo ang baby na nakabalot sa lampin at nakahiga sa manger.”

Kaya huwag na po kayong matakot at mag-alala. Sa halip, gumawa ng puwang sa inyong puso para kay Jesus.

Merry Christmas!!!

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.