Abante Tonite Interactive

Ang nail polish

500

Napanaginipan ko ang aking kumare. Nilagyan ko daw ng nail polish (kyuteks) ang kanyang mga kuko, kulay pula. Nagandahan daw si kumare kaya hiniram niya ang nail polish at iniuwi sa kanilang bahay. Nang magpunta raw ako sa kanilang bahay para kunin ang nail polish ay hindi ko siya naabutan. Wala rin daw ang inaanak ko at dinedma lamang ako ng mga nadatnan kong tao doon. Masamang-masama ang loob ko dahil wala man lamang daw pumansin sa akin.

Ang nail polish ay isang positibong pana­ginip. Ito ay sumisimbolo sa kagandahan at positibong pagbabago sa buhay. Sa aktuwal na buhay, ang nail polish ay ginagamit para mas maging kaakit-akit sa paningin ng iba.

Ang kulay pula ay indikasyon ng malakas na emosyon tulad ng pagmamahal, passion at romansa. Kung ikaw ang nag-apply ng nail po­lish sa iyong kumare, isa itong indikasyon na ang iyong mga ideya ay naa-appreciate ng mga taong malalapit sa iyo.

Sa iyong panaginip, ikaw ang naglagay ng nail polish sa iyong kumare. Posibleng ang iyong kumare ay simbolismo lamang ng mga taong aktuwal na nakapaligid sa iyo. Ang nail polish ay simbolismo ng mga positibong ideya na maaring niluluto mo sa iyong isip. Gusto mo itong mabigyan ng implementasyon pero maaa­ring natatakot ka kung paano ito tatanggapin ng mga tao sa paligid mo. Tulad na lamang ng iyong pana­ginip kung saan sinabi mong walang pumansin sa iyo nang magpunta ka sa bahay ng iyong kumare para kunin ang hiniram na nail polish.

Related Posts

Maaaring napupuno ng creativity ang iyong isip pero pinipigilan mo ang sarili mo na ilutang ang mga ideyang ito dahil nakakaramdam ka ng insecurities. Hindi ka komportableng sabihin anuman ang nasa isip mo dahil natatakot ka sa maaaring magi­ging reaksyon ng ibang tao.

Kung may ganito kang sitwasyon o pakiramdam na pinagdaraanan, nagpapaalala ang iyong subconscious na harapin mo na ang takot mo. Dalawang bagay lamang naman ang naghihintay sa iyo kung magsasalita ka: ang pagtanggap at ang hindi pagtanggap. Ano man ang maging resulta, mas mabuti na ring ma­sabi mo ang anumang nasa isip mo.

Maging matapang sa buhay. Alalahaning mabuti nang matalo nang luma­laban kaysa matalo nang hindi ka man lamang lu­maban!

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kina­laman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.