Abante Tonite Interactive

Ang nawawalang sapatos

350

Dear Dream Catcher,
Nanaginip po ako na suot ko ang sapatos ko. Kasama ko daw ang pamangkin ko at napadaan kami sa may umaagos na tubig. Malinaw ang tubig at nahulog ang isa kong sapatos bago natangay ng agos.

Hinabol ko daw ang sapatos ko pero hindi ko na nakita sa sobrang bilis agos ng tubig. Ano po ang ibig sabihin ng pana-ginip ko?
Tet

Dear Tet,
Ang sapatos sa pa-naginip ay kabilang sa mga itinuturing na common dreams. Ang sapatos ay tumutukoy sa proteksyon gayudin sa iyong personalidad at identity bilang tao. Ang sapatos ay kadalasan ding indikasyon na ikaw ay tumatahak sa bagong direksyon ng buhay.

Kung ang sapatos ay suot mo sa iyong pana-ginip, ito ay sumisimbolo sa isang pagbibiyahe. Sa ilang dream dictionary, ang sapatos ay sumisimbolo rin sa career progress pati rin sa iyong spi-ritual path.

Ang iyong panaginip ay nagpapakita na alam mo kung ano ang importante sa iyong buhay.

Ang pagkawala naman ng isang sapatos na nahulog sa tubig ay maikokonek sa iyong pagnanais na makawala sa isang sitwasyon. Sa iyong panaginip, hindi mo na nakita ang isa sa iyong sapatos at ito’y posibleng mensahe ng iyong subconscious na gusto mong kumawala sa anumang kinaroroonan o kinalalagyan mo sa kasalukuyan.

Related Posts

Ang nawalang sapatos ay puwede rin namang indikasyon na sa anumang sitwasyon mo ngayon, nawawalan ka ng tamang diskarte. At itong nawawalang ito ang importante para maabot mo ang anumang target mo.

Maari ring ikonek ang paghahanap mo sa nalag-lag na sapatos sa iyong paghahanap sa isang t­aong makaka-partner mo at magiging ka-match mo sa iyong mga interes at plano sa buhay.

Ang umaagos na tubig ay nagrerepresent­a naman sa takbo ng iyong emosyon. Mabilis ang agos ng tubig at ito’y puwedeng ikonek sa mga pangyayari sa iyong buhay na tila nagiging mabilis din at nawawala sa iyong kontrol.

Ikaw pa rin ang ta-nging makakapagbigay ng eksaktong kahulugan ng iyong panaginip dahil ikaw ang nakakaalam ng iyong buhay. Tandaan lamang na anumang pinagdadaanan mo sa buhay, nananatiling nasa iyong mga kamay ang kontrol at ikaw pa rin ang dapat manaig.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip.

Wala itong kinala-man sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcat-cher@gmail.com