Abante Tonite Interactive

Ang pagbabalik ko sa Boracay

428

ARA’S SECRET
Ara Mina

Simula nang binuksan ulit ang Boracay, ngayon lang kami nakabalik ng daughter ko. Nandoon kami actually bago ito magsara. Napansin ko, luminis ang Boracay pero may portion pa rin akong nakita bandang sa may mga puno na may wrapper ng candy, wipes at takip ng bottled water. Meron pa rin talagang mga irresponsible na tao na nagkakalat kahit may mga trash cans nang nakikita.

Pansin ko rin sa hotel namin kung saan kami nag-stay, wala na silang complimentary bottled water sa room kundi may pitsel at water dispenser sa labas sa hallway. Kukuha ka na lang din at lalagyan mo ng tubig ‘yung pitsel. Siguro para mabawasan ang mga plastic sa lugar.

Nagulat din ako kasi fee­ling ko dayuhan kami or nasa ibang bansa kami dahil 90% ng nandoon ay mga Koreans. Lalo na sa hotel namin, nag-swimming kami ng anak ko, kami lang ang Pi­lipino. Pero siyempre mga kapwa Pinoy pa rin lahat ng nagtatrabaho doon.

Nagpabili ang anak ko ng mga chips na mga local brand so napansin ko ang pres­yo na medyo doble from price dito sa Manila. Sa atin dito sa Manila wala pang P20 ang isang chichirya or junkfood kung tawagin pero doon, nasa P45 mga ganon.

‘Pag nagka-time ulit, puwede ulit kami bumalik at mag-island hopping. ‘Di na namin kasi nagawa dahil gusto ng anak ko mag-swimming nang mag-swimming.

Marami rin namang magagandang hotel doon na ‘di naman ganoon kamahal. Marami ring mga restaurants doon na makikita mo sa Manila. Siyempre wala pa kong Hazelberry doon.

Nagpunta kami ng Boracay kasi mahilig ang anak ko sa beach bukod pa sa magiging busy na naman ako sa business at sa trabaho kaya nilubos ko itong weekend na maipasyal ko ang anak ko. Kailangan din natin minsan ang quick getaway para bonding sa pamilya natin at ma-recharge bago sumabak ulit sa mga trabaho.

Ang advise ko, mag-book nang maaga para mura pa ang fare ng eroplano.

Marami pang puwedeng puntahan dito sa Pilipinas tulad ng Palawan, Siargao, Camiguin at Batanes.

Mga lugar pa na plano kong puntahan.

Maraming salamat. I-share ko ulit sa inyo ‘pag may napuntahan ako ulit.