Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang pagbabalik ng doggies sa White House!

0 113

Dearest FurrParents:

Katatapos lang ng US elections at lahat ng sumuporta sa Presidential campaign ni Joe Biden ay ipinagdiriwang ang projection ng pagkapanalo niya bagaman hindi pa ito pormal na inanunsyo ng gobyerno.

Alam kong naging matindi ang elections sa America at maraming galit at ayaw pang tanggapin na si Biden ang nanalo pero may isang pirasong good news ako para sa mga pet lovers – kapag na-install si Biden bilang US President sa Jan. 20, 2021 – magkakaroon ulit ng canine residents ang White House!

Ang dalawang pets ni Joe, at ng kanyang maybahay na si Dr. Jill, ay parehong German Shepherds – sina Champ at Major!

Si Champ ay regalo ni Dr. Jill kay Joe pagkatapos ng pagkapanalo niya bilang US Vice President noong 2008. Tuta pa lang si Champ noon pero ngayon, senior doggizen na siya sa edad na 12 years old. Si Champ ay nakabisita na sa White House. Ang kanyang palayaw ay Biden Sr.! Ang cute noh?

History-maker naman si Major dahil siya ang magiging kauna-unahang rescue dog na titira sa White house! Isang malaking tagumpay ito para sa mga proponent ng ‘Adopt don’t shop’ campaign.

Unang nakita nina Joe at Jill si Major, noong 2018, sa isang litrato na galing sa kanilang anak na si Ahsley. Up for adoption daw si Major mula sa Delaware Humane Society. Ni-rescue ng grupo ang aso dahil na-expose sa toxic material ito at ang anim niyang tutang kapatid. Pero binigyan sila ng life-saving medical care kaya nag-survive sila.

Isipin nyo iyan! From death to life, ngayon White House dog na si Major!

Mukhang mahilig talaga sa German Shepherd ang in-coming US president dahil ayon sa mga White House historians, nagkaroon na ng at least 3 German Shepherds si Biden at isang Great Dane na pinangalanang Governor.

Hindi ito ang unang beses na magkakaroon ng aso sa White house. Si President Barack Obama ay may dalawang First Dogs noong termino niya – sina Bo at Sunny, parehong Portuguese Water Dogs.

Ang First Pet naman ni President Franklin Delano Roosevelt ay ang kanyang minamahal na Terrier na si Fala.

Si George H.W. Bush ay may aso din nung siya ang Presidente – isang English Springer Spaniel na si Millie.

Apat na taon nang hindi nakakarining ng tahol ang White House kaya maraming dog-lovers ang excited – dahil kay Champ at Major magkakaroon ulit ng US Presidential Residential dogs!

Awesome PAWsome!

Nagmamahal,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.