Abante Tonite Interactive

Ang pagbabalik sa Ciudad Verdadero

303

Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, kailangan nating pakinggan kung ano ang mga mensahe na gustong ipabatid sa atin ng mga nila­lang sa iba’t ibang dimensiyon.

Ito ang nag-udyok sa akin para balikan ang Ciudad Verdadero sa Sampaloc, Quezon.

Hindi masyadong kilala ang Ciudad Verdadero sa mata ng publiko dahil bukod sa isa itong pribadong lugar ay iilan lamang ang iniimbitahan o pinapahintulutang ito ay makita.

Bilang dati nang nagpupunta sa Ciudad Verdadero simula 2010 hanggang 2012 ay bigla na naman akong naimbitahan na bumisita doon.

Ang mga katagang Ciudad Verdadero ay hango sa salitang-Espanyol na ang direktang kahulugan ay Lunsod ng Katotohanan. Bagaman hindi ito lunsod sa paningin ng tao, maituturing itong lunsod dahil sa nagtitipon-tipon dito ang iba’t ibang nilalang na hindi pangkaraniwang nakikita ng ating mga mata.

Related Posts

Patay na kuko

Ibig sabihin tanging mga taong clairvoyant­ o psychic ang may kakayanang makita o maramdaman ang presensya ng mga nila­lang mula sa iba’t ibang dimensiyon.

Batay sa testimonya ng maraming psychic, clairvoyant, medium at telepaths na bumisita na sa Ciudad Verdadero, matatagpuan dito ang mga diwata, lambana, higante, mga banal na nilalang maging ng mga Ekstra-Terestriyal.

Bantog sa mga lugar na binibisita sa Ciu­dad Verdadero ay ang labyrinth sa Chapel at maging ang Cretan labyrinth sa ituktok ng gulod, bukal, dalawang higanteng bato, UFO airport, lagoon at meditation tower.

Sa huling pagbisita ko sa Ciudad Verdadero ay mapalad tayong makakuha ng mensahe mula kay ‘Impo’, ang itinuturing na tagapangalaga sa hanay ng mga nilalang sa lugar.

Pangkalahatang mensahe niya ay pagmamahalan sa bawat isa, pangangalaga sa kalikasan, bagaman sa susunod na artikulo ko ay ilalahad ko ang iba pang detalye ng mensahe ni ‘Impo.’

Para sa mga katanungan at suhestyon,­ mag-email sa misteryophilnet@gmail.com;reysibayan@gmail.com. Bisitahin ang aking website www.reytsibayan.com. FB Page: Misteryo Pilipinas.