Abante Tonite Interactive

Ang paghahanap ng CR sa panaginip

504

Napanaginip kong nasa ibang lugar ako at bigla kong kinailangang maghanap ng toilet. Matagal daw akong naghanap ng CR dahil hindi ko kabisado ang lugar. At nang makakita ako ng toilet, aktong ibinababa ko na raw ang underwear ko nang ma-realize ko na may mga tao sa paligid at nakikita nila ang ginagawa ko. Ano ang ibig sabihin ng weird kong panaginip.

Ang iyong panaginip ay maikokonek sa pangangailangan mong personal. Sa aktuwal na buhay, maaring gusto mong ma-express ang iyong sarili pero tila may nakakapigil sa iyo. Maaring may gusto kang gawin o sabihin pero hindi mo magawa, hindi mailabas. Dahil dito, napanaginip mong naghahanap ka ng CR at nang makakita ka ay napigilan ka pa rin na gawin ang dapat mong gawin. May mga taong nakakita ng gagawin mo at ito ang pumigil sa iyo.

Nararamdaman mo bang nahihiya kang gawin ang isang bagay dahil lagi mo na lamang iniisip ang sinasabi ng ibang tao? Posibleng hindi ka naman aktuwal na pinipigilan kundi sarili mo mismo ang pumipigil dahil nga sa alalahaning may masabi ang ibang tao sa iyo.

Kung ganito ang tunay na nangyayari sa buhay mo, nagpaparamdam na ang iyong subconscious. Nababagabag dahil feeling mo ay nawawalan ka ng kalayaan na magpakatotoo sa sarili mo. Ikaw lamang ang tanging makagagawa ng paraan para baguhin ang anumang nangyayari sa iyo.

Related Posts

Ikaw ba ay nasa isang relasyon na masyadong dominante ang iyong kapareha na pinipigilan kang kumilos nang naaayon sa iyong kagustuhan?

Anuman ang iyong sitwasyon sa buhay, alalahaning ikaw lamang ang dapat may kontrol ng buhay mo at hindi ang mga tao sa paligid mo. Ang tanging magagawa lamang ng mga tao sa paligid mo ay magpaalala at magpayo pero ikaw pa rin ang dapat masunod.

Kung wala ka namang masasagasaan sa mga gusto mong gawin sa buhay, bakit hindi ito ikonsidera?
Sakali namang batid mong hindi talaga puwedeng gawin ang nais mo, makabubuting ibaling sa iba ang iyong atensyon. Magpokus sa ibang bagay at mag-move on.

Isang paalala lamang na ang pananaw na ito ay maikokonsidera lamang kung ang iyong panaginip ay walang konek sa katotohanan na kaya mo lamang napanaginip ang paghahanap ng CR ay dahil  pinaalalahanan ka na ng isip mo na gumising para aktuwal at totoong gumamit ng CR!

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER  ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay.  Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.