Abante Tonite Interactive

Ang pangangailangan ng bago

487

MARGIE HOLMES

Dear Dra. Holmes: (shortened Sept 14 letter)
27 yrs old na po ako at madalas akong nagja-jakol; parang na addict na sa panonood ng porn at sabay jakol hanggang ngayon hindi ko mapigilan magjakol. ano po ba problema sa akin bakit po gano’n? tapos kung magja-jakol po ako eh hindi na siya tumitigas. tumatayo siya kaso malambot. ‘di kagaya dati na ang tigas ‘pag nagja-jakol ako. Santi

Dear Santi:
Maraming Sala­mat­ sa sulat mo na una nating­ na-publish noong nakaraang Sabado, Setyembre 14. Sa hu­ling kolum nitong Linggo, Setyembre 15, sinabi ko na ang isang dahilan na napakatindi ng hawak ng porn sa kalalakihan ngayon ay dahil sinasagot ng porn ang isang panga­ngailangan ng tao—lalo na ang mga lalaki—sa tinatawag nating ‘need for novelty.’ Ito ay ang pangangaila­ngan ng tao na bago sa buhay nila. Hindi lang ito sa lara­ngan ng sex, pero sa iba’t ibang bagay rin. Ang kaibahan ay, sa larangan ng sex, tila mas mataas ang panganga­i­langan ng lalaki kaysa sa babae ng iba-iba (iba-ibang babae kung ika ay heterosexual/straight na lalaki at iba-ibang mga lalaki kung ikaw ay homosexual).

Hindi ko sinasabi na, dahil mayroon tayong pangangailangan ng bago/iba-iba dahilan/excuse na yan para ma­ngaliwa. Dahil marami pang ibang bagay ang nagpipigil sa ating mga gusto. Para sa mga lalaking gustong ma­ngaliwa, una (sana), ay ayaw nilang masaktan ang partner nila. Eto ay napakalakas na motibo lalo na kung ang lalaki ay lumaki sa isang pa­milya na ang tatay niya ay babaero. Nakita niya kung gaanong kasakit ito sa nanay niya kaya hindi niya ito magawa sa sarili niyang misis. ­Final installement Sunday.

***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.