Abante Tonite Interactive

‘Ang Probinsyano’ abante sa ratings

13

LUBOS ang pasasalamat ng ABS-CBN sa isa na namang taon kasama ang mga pamilyang Pilipino na patuloy na tumututok sa Kapamilya Network.

Muli, naging bahagi ng araw-araw na panonood ng mga Pilipino ang ABS-CBN, na nakakuha ng average audience share na 45% sa buong bansa sakop ang urban at rural homes, 11 puntos higit sa 34% ng GMA Network.

Ayon ito sa Kantar Media national TV ratings data mula 1 Jan hanggang 15 Dec 2016.

Nanguna sa mga programang pumukaw sa damdamin ng madla ang pinakapinapanood na programa sa Pilipinas na FPJ’s Ang Probinsyano, na nag-average ng national TV rating na 40.3%. Sa mga karanasan ni Cardo (Coco Martin), naipapalaganap ang pagmamahal sa pamilya at bayan at iba pang magandang asal.

Umariba maging ang iba pang teleserye at drama program ng ABS-CBN na sumasalamin sa buhay at values ng pamilyang Pilipino ang Pangako Sa’ Yo nina Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, Dolce Amore nina Enrique Gil & Liza Soberano, Magpahanggang Wakas nina Jericho Rosales & Arci Muñoz, The Story of Us nina Kim Chiu & Xian Lim, Born for You nina Elmo Magalona & Janella Salvador, Be My Lady nina Daniel Matsunaga & Erich Gonzales, at Till I Met You nina James Reid & Nadine Lustre.

Ayon pa sa Kantar data, 17 programa ng ABS-CBN ang pasok sa Top 20 most-watched programs.

Ito-ito ang Pilipinas Presidential Debate 2016 (40.6%), FPJ’s Ang Probinsyano (40.3%), The Voice Kids (37.6%), Pangako Sa ‘Yo (34.3%), Dolce Amore (33.8%), Meron Akong Kwento Ang Himig ng Buhay Ko concert (32.9%), Pilipinas Got Talent (31.9%), Dance Kids (31.0%), MMK (30.9%), Wansapanataym (30.9%), TV Patrol (30.7%), Pinoy Boyband Superstar (30.0%), MMK 25th Anniversary (29.9%), Halalan 2016 Ang Huling Harapan (25.7%), Home Sweetie Home (25.3%), Magpahanggang Wakas (24.5%) at Goin’ Bulilit (23.4%).