Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang Probinsyano ayaw wakasan ni Coco

0 483

Mukhang hindi pa rin matatapos ang ‘Ang Probinsyano’ kahit napabalitang magwawakas ito sa September.

Humahataw pa rin ito kahit sa Kapamilya channel napapanood ito at sa social media ng ABS-CBN 2

Marami pa ring bagong kuwento at konsepto sa nasabing serye kaya wala pa rin date para mag-ending ito.

May tsika pang naghahanap ulit ng bagong location ang serye pero may mga eksena pa ring kukunan sa Batangas.

Mukhang ayaw pang wakasan ni Coco Martin at ng Dreamscape ang dini-direk niyang serye at pinagbibidahan.

Umaabante rin kasi pagdating sa mga advertisers ang naturang show.Talbog!

Aga target ng TV5 sa sitcom

Matunog ang balita na may offer umano si Aga Muhlach na gumawa ng sitcom sa TV5. May producer na willing siyang igawan ng show sa naturang istasyon bilang blocktimer.

Pero ayon sa source, tinanggihan na niya umano ang lahat ng offers sa pelikula at tv show bilang pag-iingat na mahawa ng COVID-19.

Ultimo entry niya sa Metro Manila Film Festival 2020 ay naudlot dahil hindi pa maayos ang situwasyon sa virus.

Pero posibleng pag-isipan daw ni Aga na gumawa ng sitcom pero malabo pa ngayong taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.