Abante Tonite Interactive

‘Ang Probinsyano’ balik taping: Nagbawas ng cast, staff

0 2,780

Naghahanda na rin pala ang cast, staff ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pagbabalik-taping nila. Ang lahat naman ng shows ng ABS-CBN ay may guidelines na dapat sundin, kaya panay-panay na ang online meetings nila.

Ang dinig ko, lilimitahan lang ang kasali sa taping ng action series ni Coco Martin. Kailangang gawin ‘yon dahil hindi nga puwedeng napakaraming kasama sa set dahil ‘yon na nga ang new normal ngayon dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Gustuhin man daw ni Coco na lahat ng mga dating kasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay makasama pa rin sa pagre-resume nila ng taping ay hindi talaga puwede.

Pero knowing Coco na sadyang magtulungin, I’m sure, patuloy niyang tutulungan ‘yung mga dating involved sa kanyang action series na hindi na maisasama sa kanilang pagre-resume ng taping.

And yes, like ‘yung ibang Kapamilya network shows, ila-lockdown din daw ang lahat ng involved sa pagbabalik-taping ng action series ni Coco. (Jun Lalin)

Tonite – Wendys Inhouse Ad