Abante Tonite Interactive

Ang Probinsyano cong nanapak,Coco dedma

0 694

Nadungisan ang magandang imahe ng ‘Ang Probinsyano’ ng yumaong Fernando Poe Jr. at Coco Martin dahil sa ginawa umano ng isang congressman.

Balitang nanapak ang Ang Probinsyano party-list first nominee Alfred delos Santos ng isang waiter sa loob ng isang restaurant, base sa kuha ng CCTV.

Kinunan ng reaksyon ang kampo ng endorser ng Ang Probinsyano party-list na si Coco Martin sa pamamagitan ng kanyang management pero dedma ang mga ito. Ganoon din sa camp ni Ms. Susan Roces.

“Kung buhay pa si FPJ hindi siya papayag na madawit sa ganoon klaseng iskandalo ang pinasikat niyang pelikula. Baka makatikim siya ng sunod-sunod na suntok,” ayon sa isang netizen.

Sa video na nakuha ng Tonite, nakita na nagkaroon ng masinsinang usapan si delos Santos at isang service crew ng Bigs Diner sa Legazpi City, Albay na nakilalang si Christian Ken Alejo, 20.

Sa time stamp ng kuha sa CCTV, makikita na naganap ito noong Linggo, Hulyo 7, bandang alas-8:52 ng umaga.

Sey pa ng source ng Tonite, nagkainitan umano si delos Santos at ang crew matapos na hindi nito makilala na kongresista ang Ang Probinsyano 1st nominee.

Hindi pa man nakakaupo sa Kongreso, nasangkot agad sa kontrobersiya ang natu­rang party-list congressman .