Abante Tonite Interactive

Ang Probinsyano cong: Nanuntok na, nagkapuwesto pa!

402

Makaraang masangkot sa panununtok sa isang waiter, nabigyan pa ng puwesto sa Kamara de Representante si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos.

Si Delos Santos ay nahalal bilang assistant majority leader sa ginanap na plenary session noong Lunes.

Bilang assistant majority leader, si Delos Santos ang magmanando ng deliberasyon sa sesyon kapag wala si Majority Leader Martin Romualdez.

Ang mga itinatalagang opisyal at lider ng Kamara ay mas basbas at approval ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Nadawit sa kontroberysa ang kinatawan ng Ang Probinsyano party-list nang suntukin nito ang isang waiter na nakita sa CCTV sa Biggs Diner sa Albay noong Hulyo 7.

Nag-sorry ang mambabatas bagama’t inamin nito na hinawakan lang niya ang sombrerong suot ng waiter.