Abante Tonite Interactive

Ang Probinsyano cong sibakin sa pananapak ng promdi

523

Hindi pa rin humuhupa ang galit ng publiko kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos matapos ang iskandalong kinasangkutan nito dahil sa pananapak sa isang waiter sa loob ng isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Kabilang si Partido ng Manggagawa national chairman Rene Magtubo sa mga nagpahayag ng galit sa ginawa ng bagitong kongresista laban sa waiter na si Christian Kent Alejo.

Para kay Magtubo hindi sapat na humingi lang ng tawad si Delos Santos kay Alejo dahil hindi a­niya katanggap-tanggap ang inasal ng kinatawan ng Ang Probinsyano party-list sa isang taong kabilang sa sektor na kinakatawan ng kanilang partido sa Kongreso.

Ginawang halimbawa ni Magtubo kapag isang estudyante ang nanuntok ng kapwa niya mag-aaral kung saan ay maaaring mapatalsik aniya ito sa eskuwelahan.

Dagdag pa nito, kapag ang isang manggagawa umano ay nanakit ng kostumer ay siguradong masisibak ito sa kanyang trabaho at maaaring makulong pa.

“But Delos Santos is still walkin­g free and engaging in verbal acrobatics to assuage public outrage,” ani Magtubo.