Abante Tonite Interactive

‘Ang Probinsyano’ naka-1K episode na

367

Lubos ang pasasalamat na ipinaabot ng Teleserye King na si Coco Martin. Pati na rin ang mga bumubuo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa ika-1,000 episode nito kahapon.

Sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment ay isa-isang bumati ang mga artistang kasali rito.

“Sa lahat po ng hanggang ngayon ay sumusubaybay at nanonood po ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo. Sa lahat po ng staff, crew at sa lahat po ng artista, sa lahat po ng bumubuo ng ‘Ang Probinsyano’, maraming, maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal at suportang ibinibigay niyo sa amin gabi-gabi.

“Kaya pilit po naming pinagbubuti at pinapaganda ang bawat episode para matumbasan po namin ang pagmamahal na ibinibigay niyo. Maraming, maraming salamat po,” ani Coco.

Nag-pilot episode ang naturang teleserye noong September 28, 2015 at ngayon nga ay nasa ikaapat na taon na sa ere. Malapit na nitong matapatan ang “Mara Clara” na umabot ng 4 na taon at 6 na buwan. Kakatuwa pang si Judy Ann Santos ay kasama sa “Ang Probinsyano”.

Bumuhos din naman ang pagbati para sa programa mula sa mga netizen.
“Nakailang jowa na ako itong Ang Probinsyano going strong pa rin,” anang tweet ni Angelika.

“Deputs grade 6 ako nung nagsimula yung ang Probinsyano tapos GRADE 10 NA AKO HINDI PA TAPOS TAN**NANG YAN MAGMOMOVING UP NA AKO HAYEOP NA YAN,” sabi naman ni Sandy. (Jun Lopez)