Abante Tonite Interactive

‘Ang Probinsyano’ numero uno, 9 sa Kapamilya pasok sa Top 10

Coco Martin
12

BASE sa datos ng Kantar Media, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa top ten na pinakapinanood na programa noong nakaraang buwan.

Nakakuha ang Ka­pa­milya network ng average audience share na 43% mula sa urban at rural homes, kumpara sa GMA na mayroon lamang 34%.

Buong buwan pa ring namayagpag ang FPJ’s Ang Probin­syano matapos nitong makapagtala ng ave­rage national TV ra­ting na 37.7%.

Abante Hiring – IT dep

Patuloy na sinusu­baybayan ang kuwento ni Cardo (Coco Martin) hindi lang dahi­l sa askyong dala nito tuwing gabi, kung hindi pati na rin aral na ibinabahagi nito sa mga manonood.

No wonder, extended ito hanggang 2018!

Kasama rin sa listahan ang The Voice Teens (35.5%) na bida ang boses ng kabataang Pinoy, Your Face Sounds Familiar Kids (34.5%), at ang mga kuwentong kinapupulutan ng aral sa Wansapanataym (32.6%).

Kinaantigan ang mga tunay na karanasan ng letter senders sa MMK (31.8%) na ­nagbibigay inspirasyon sa mga ma­no­nood.

Pasok din sa top 10 ang mga pampamilyang kuwento ng My Dear Heart (26.5%) at Home Sweetie Home (23.3%).

Patuloy na tinututukan ng mga manonood si Heart (Heart Ramos) sa paglaban sa kanyang sakit at sa pagtulong kay Dra. Margaret (Coney Reyes) na baguhin ang puso nito.

Sabay rito ang pagsubaybay ng mga mano­nood sa samahan ng mag-asawang sina Romeo (John Lloyd Cruz) at Julie (Toni Gonzaga) na nagsisilbing magandang halimbawa sa pamilyang Pilipino.

Sinubaybayan rin ang pag-uumpisa ng kuwento ng pag-abot ng pangarap, pag-ibi­g at pagkakaibigan sa Pusong Ligaw (17.9%). Makabagbag-damdamin ang naging pagtatapos ng afternoon series na The Greatest Love (14.4%) na nagpakita ng wagas na pagmamahal ng ina para sa anak.

Namayagpag din sa buong bansa ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime (6:00 PM-12:00 MN), kung saan nakapagtala ito ng ave­rage audience share na 49%, at tinalo ang 33% ng GMA.

Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan ka­ra­mihan sa mga Pili­pino ay nanonood ng telebisyon at inila­la­­­gay ng ­advertisers ang malaking ­parte ng kanilang ­investment upang ma­kaabot sa mas mara­ming consumers.