Abante Tonite Interactive

Ang sining ng Urban Sketchers

513

Ni Geraldine Monzon

Sa panahon ngayon, sino ang makapagsasabi na laos na ang si-ning ng pagguhit at pagpipinta? Ang totoo, marami pa rin ang naniniwala dito at sa tunay na kahulugan nito.

Marami pa rin tayong mga artists na maipagmamalaki saan mang panig ng mundo. Isa ang grupo ng Urban Sketchers K­yusi sa patuloy na nagpapalaganap nito. Sila ay kasapi sa malawak na samahan ng mga Urban Sketchers sa iba’t ibang panig ng mundo na nagsimula noong 2007 sa pangunguna ng journalist i­llustrator na si Gabriel Campanario. Ang kanilang pinaka main ay matatagpuan sa Chicago. Dito sa Pilipinas, mayroon tayong Urban Sketchers Kyusi, Cebu, Mindoro, Ilocos at syempre ang Manila.

Ang Urban Sketchers Kyusi na nakasama ko noong Sunday, May 26 nang umaga sa C4 Navotas City ay nagsimula noong February 3 sa isang Sketchwalk sa UP Diliman. Una nilang tinawag ang kanilang grupo na Kyusi Sketchers bago sila nag-apply bilang regional chapter ng Urban Sketchers (global). Ayon kay Ms. Nadja Ginete.

Layunin ng kanilang grupo na maidokumento at makapagkuwento ng kaganapan sa buhay ng bawat miyembro sa pamamagitan ng kanilang sketch kasabay nang pagpapakita nila sa mga natatangi at makasaysayang lugar na kanilang napupuntahan.

Bawat isa sa kanila ay may pagkakataon na mai-share ang kanya-kanya nilang technique sa pagguhit at gayundin sa mga nais na matuto nito. Ang mga artists ay malaya ring maibenta ang kanilang obra ayon sa pres-yong kanilang mapagkakasunduan at nagkakaroon din sila ng mga exhibit kung saan naipapakita nila sa maraming tao (bukod sa online) ang kanilang mga sining.

Ayon pa kay Miss Nadja, ang Urban Sketchers Kyusi ay nag-ooffer ng mga libreng demo at workshop sa mga miyembro nito upang makapaghikayat ng mga kabataan na linangin ang kanilang interes sa pagpipinta at sa pagguhit. Sa pamamagitan nito ay madedevelop ang disiplina, tiyaga, pagiging mapagmasid at pagmamahal sa ating kasaysayan, kultura, tradisyon at bayan.

Masaya akong nakilala ko ang mga bumubuo sa Urban Sketchers Kyusi na sina Doc Ectad Duenas (founder) Nadja Ginete (co-founder) Erwin Mallari (kilalang waterco-lor ar­tist) Erwin Enriquez, Gily Nale, Rick Mupas at Bing Camacho.

Ang head naman ng U­rban Sketcher­s Manila na si Randy V­aliente ay kasalukuyang nasa Cologne Germany ngayon at patuloy na pinagyayaman ang kanyang si­ning sa pagguhit dala ang pangalan ng Pilipinas.