Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ang ‘Taguig model ’ laban sa COVID-19

0 645

Isang Maligayang Bagong Taon! Sa kabila ng lahat ng pagsubok ng 2020, marami sa atin ang umaasa at naniniwala na ang 2021 ay magiging taon ng pagbangon, puno ng bagong oportunidad at pag-asa.

Para sa akin, isang magandang simula para iparating natin sa ating mga kababayan ang mga programang ipinapatupad natin sa Taguig sa pamamagitan ng bago nating column dito sa Abante. Diretso nating ilalatag ang mga sagot sa problema na nasubukan natin sa Taguig. May mga panukala at opinyon din tayo sa mga mahahalagang isyu na paminsan-minsan ay bibigyang daan natin sa espasyong ito.

Bilang opening salvo, nais nating i-report na sa lungsod ng Taguig, patuloy na pinapaigting ang ating laban sa COVID-19. Ang layunin natin ay maging COVID-free ang Taguig City at maging modelo para sa ibang lungsod sa pagpapatupad ng mga programa sa pagsugpo ng virus at manumbalik ang dating sigla ng ekonomiya sa buong bansa.

Sa ngayon, humahataw ang Taguig sa pagbibigay ng libreng COVID-19 tests. Ang gold standard testing ng lungsod na naisagawa nang libre para sa ating mga kababayan ay umabot na sa 95,000 na PCR tests.

Mayroon na rin tayong mahigit 30 COVID-19 testing sites sa health centers, drive-thru sites at umiikot na mobile testing truck para maging mas accessible ang testing sa mga Taguigeños at hikayatin silang magpa-test.

Hindi lamang yan, may sarili na ring molecular laboratory ang Taguig na ginagamit na natin noon pang Setyembre para sa COVID-19 testing. Ito ay nasa loob ng Lakeshore Mega-Complex Quarantine Facility sa lungsod na may 500 COVID-19 beds.

Hi-tech ang mga pasilidad sa loob ng ating quarantine facility. May mga Robo-Nurse na tumutulong sa paghahatid ng vitamins at gamot sa mga COVID-19 patients para maiwasang mahawaan ang ating mga medical frontliners at manatili silang malakas at malusog sa paglaban sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa mga programang ating pinapatupad, patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Taguig. Ang lungsod ng Taguig ay nananatiling may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Gusto ko lang ding i-flex na ang bumuo ng Robo-Nurse na ginagamit sa Taguig mega-quarantine facility ay mga estudyante ng Taguig Robotics Team. Locally made ang ating Robo-Nurse kaya naman talagang maipagmamalaki natin ito.

Isa sa ating mga prayoridad ay ang pagkakaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon sa Taguig. Isa ang Taguig Robotics Team bilang patunay na hindi pahuhuli ang Taguig pagdating sa pagbibigay ng high-quality education sa ating mga kabataan.

Patuloy ang Tele-Aral program ng ating lungsod para matiyak na patuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya. May mga libre ring short courses online. Mahigit 250 online courses ang puwedeng pagpilian ng mga gustong makapag-enroll sa Training and Enrichment Courses from Taguig Online Campus (TECTOC).

Ilan lamang yan sa mga bagong programang mabilis nating naipatupad para maihanda ang Taguig sa new normal.

Para sa mga taga-Taguig, puno ng pag-asa at may badya ng magandang bukas ang 2021. Gusto kong bigyang diin na sa likod ng nakita kong sakripisyo ng mga kawani ng gobyerno, pulis, barangay, doctors, nurses at iba pa, ang tunay na susi at ang tunay na bayani ay ang mga kababayan natin na sumusuporta at nagtitiwala na malalagapasan natin ang pagsubok na ito gawa ng patuloy na sakripisyo at pagkakaisa ng bawat Taguigueno.

Katuwang ang national government, patuloy ang inyong lingkod, kasama ang ating mga masisipag na empleyado sa Taguig City Government at magigiting na frontliners, sa paglaban sa pandemya. Hindi rin tayo titigil sa paghahanda para maging mas matatag pa ang ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho sa ating lungsod.

Hiling ko ang mapayapa, masaya at COVID-free new year para sa ating lahat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.