Abante Tonite Interactive

Ang tita kong reyna ng mga martir

484

Magandang araw sa lahat. I’m King of Tondo. Share ko lang ang tita ko na hindi ko maubos-maisip kung paano niya nagagawa ang magpakamartir na parang santa. Santa para sa kanyang mga anak at higit po sa lahat, santa para sa kanyang buwisit na mister. Opo tito ko nga po ang hinayupaks na ‘yun.

Talaga pong kumukulo ang dugo na­ming magkakapatid sa lalaking ‘yon dahil sa ginawa niyang kataksilan sa tita namin. Nakakapika ang nangyari dahil kung kailan nagkaedad ‘yung si Lino (Lino na lang ang tawag namin sa kanya coz he doesn’t deserve respect) ay saka pa siya nagloko. Can you imagine po, malalaki na ang anak nila ni tita at may mga apo na sila! Eto namang si tita, bistado na ang kalokohan ng asawa ay parang wala lang. Napakalaki talaga ng takot niya sa asawa niya kahit noon pa. Sino ba ang hindi masasaktan at mabubuwisit, eh ang kinalantari po ni Lino eh ‘yun pang isa naming pinsan. Noong una nga po ay ayaw pang maniwala ni tita at nagalit pa siya sa amin, kung ano-anong tsismis daw po ang ipinagkakalat namin.Noong huli, napatunayan din niya na totoo nga ang sinasabi namin. Ngayon, may iba na naman si Lino at ang balita namin ay nasa abroad daw ang asawa ng bago niyang babae. Kapal talaga ng mukha niya at ang tita ko naman ay tanggap na niya ang ganu’ng kapalaran niya.

Kung sobrang magrerebelde kami sa nangyayari ay sob­rang kahihiyan din sa mga tao ang aabutin ng angkan namin dahil sa kawalanghiyaan ni Lino. Salamat at sana ay magi­sing na si tita.