Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angara: Balik-eskuwela subukan sa 2 probinsya

0 72

Kailangang magkaroon muna ng dry run ng face-to-face classes bago tuluyang magbalik-eskuwela ang mga bata sa buong bansa, ayon kay Senador Sonny Angara.

“Kung sakali, bago tayo mag-umpisa ng nationwide rollout ng face-to-face classes, pumili tayo ng isa o dalawang probinsya muna para sa pilot testing,” ani Angara.

Sa pagpili ng mga lugar na magiging bahagi ng pilot program, sinabi ni Angara na ang pangunahing konsiderasyon ay doon sa mga kokonti o walang kaso ng COVID-19.

Dagdag pa nito, ang mga lokal na pamahalaan na magiging bahagi ng pilot testing ay dapat mayroong health facility na kayang tumanggap ng malaking bilang ng kaso, mula isolation hanggang sa paggamot. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.