Abante Tonite Interactive

Angara inendorso ng senior citizen coalition

By
104

Inendorso ng isang koalisyon ng iba’t ibang grupo ng mga senior citizen ang reeleksyonistang si Senador Sonny Angara dahil sa kanya umanong pagsusulong sa kapakanan ng mga nakatatanda.

Ayon sa Coalition of Services of the Elderly Inc. (COSE), sa loob ng maraming taon, napatun­yan na ng mga Angara ang kanilang tapat na pagmamahal sa mga nakatatanda, patunay ang mga batas at benepisyong nilikha nila para sa mga senior.

Idinagdag ng koalisyon na napakahalaga ng magiging papel ni Angara sa isusulong na universal social pension sa susunod na Kongreso dahil batid nila kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng senador sa kanilang sektor.

Dahil dito, taos-pusong ibinigay ng COSE ang kanilang solidong suporta sa kandidatura ni Angara sa pagbabalik nito sa senado.

Ang COSE ay binubuo ng 450 member organization sa buong bansa na pawang nakatuon sa kapakanan ng mga senior citizen.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat si Angara kasabay ang pangakong ipagpapatuloy niya ang mga napasimulang tulong at malasakit sa mga senior citizen sakaling muli siyang maluklok bilang senador.

Isa si Angara sa mga nagsulong ng Expanded Senior Citizens Act at ng Universal Social Pension Bill. Anak siya ng yumaong dating Senate President Edgardo Angara na kinilala bilang ‘Ama ng Senior Citizens Law’ ang batas na nagpatupad ng 20% diskuwento at iba pang benepisyo sa mga matatanda.