Abante Tonite Interactive

Angara kay Lapeña: Bastos ka!

By
0 1,029

Hindi napigilan ni Senador Sonny Angara na komprontahin si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña sa budget deli­berations dahil sa kabastusan sa hindi pakiki­pag-usap sa kanya hinggil sa kanilang pondo.

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Commission on Higher Education (CHED), hiniling ni Senador Panfilo Lacson na ibalik ang tinapyas na P4.8 bilyong pondo para sa TESDA.

Sinabi ni Lacson na pangunahing dahilan ng pagtapyas ng pondo ay ang malaki pa ang hindi nagagastos ng ahensiya na sa pagtaya ay aabot sa P5 bilyon.

Ipinaliwanag naman ni Lacson na kaya ma­laki ang hindi pa nagagalaw na pondo ay dahil inirelease ang budget ng TESDA noong buwan na ng Setyembre.

“We are open to that (pagbabalik ng tinapyas na budget), ang sa akin lang po, yung bagong TESDA Director lahat ng senador kinakausap, pero yung sponsor nya hindi kinakausap. I think there is a courtesy issue there. I think you would agree with me,” sagot ni Angara.

“Nilapitan na nya ang ibang senador pero kami po hindi naman niya kinakausap. Madali naman po tayong kausap,” dagdag pa ng senador.

Hindi pa nakuntento si Angara nang mag-break ang sesyon ay nilapitan nito si Lapeña na nakapuwesto sa gallery ng session hall at kinompronta.

“Dito sa colleagues namin, nakakabastos ka eh. Pinapahiya mo ako dito, Pambihira naman,” sambit ni Angara kay Lapeña.