Abante Tonite Interactive

Angara malaking kawalan sa bansa – VP Leni

By
673

Kasabay ng taos-pusong pakikiramay, tinuturing ni Vice President Leni Robredo ang pagpanaw ni dating Senador Edgardo Angara na kawalan ng buong bansa.

“Nakikiramay tayo sa Pamilya Angara..kawalan ito hindi lang ng kanilang pamilya, kundi kawalan ng buong bansa..Alam natin iyong kasaysayan ni Senator Angara sa public service, napakatagal na panahong nag­lingkod sa ating ba­yan.

Maraming posisyon na pinanghawakan. At iyong mga posisyong pinanghawakan, nag­lingkod na totoo. Kaya ito, isang malaking kawalan, hindi lang ng kanilang pamilya kundi ng buong bansa,” ayon kay Robredo.

Si Angara ay na­ging senador mula 1987 hanggang 1998 at nagsilbing Senate President mula 1993 hanggang 1995.

Pumanaw si Angara sa edad na 83, ayon sa kanyang anak na si Sen. Sonny Angara. (Eralyn Prado)