Abante Tonite Interactive

Angara nagpugay kina Lee, Tenorio

398

bY Ferdz Delos Santos

Binigyang-Pugay nina Senator Sonny Angara at Senator Joel Villanueva ang dalawa sa pinakamatitinik na point guard ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ibinalandra ni Angara, Harvard Law School graduate, sa kanyang Instagram story ang larawan nila ni Senator Villanueva kung saan ay nakasuot siya ng jersey ni Paul Lee ng Magnolia Hotshots habang ang una ay nakasuot naman ng uniporme ni L.A. Tenorio ng Barangay Ginebra Gin Kings.

“Repping some of our favourite players— @la_tenorio for sen @joelvillanueva and @lethalweapon03 for me. 2 legends of the game,” ayon sa caption ng la­rawan ni Angara.

Si Angara ay siya ring chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at player­ din para sa Senate­ Defenders sa UNTV Cup.
Kakampi niya sa koponan ang kapwa senador na si Villanueva.