Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angara ‘namangha’ sa palpak na ring announcer

0 135

NAG-ALA Steve Harvey ang boxing announcer kahapon sa laban nina Daniel Jacobs at Gabriel Rosado nang magkamali ito ng anunsyo kung sino ang nanalo.

Sa video na lumabas online ay sumablay ang announcer nang banggitin niyang wagi ang boxer na tubong Philadelphia na si Rosado.

Pero agad na binawi ang kanyang anunsyo sabay sabing si ‘Brooklyn Daniel Jacobs’ ang totoong nanalo.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Mapapansin rin sa nasabing video na dismayado ang kampo ni Rosado dahil sa pagkakamali ng pagbanggit ng waging boksingero.

Dahil sa pagka-wow mali ay dismayado ang kampo ni Rosado. Dinumog din ito ng samu’t saring komento mula sa netizen.

At maging si Pinoy senator Sonny Angara ay hindi naawat sa pag-react, natawa sabay joke sa kanyang Twitter account.

“Pwede Kunin ng Ms UNiverse Ito pag retire ni Steve Harvey,” pabirong pahayag ni Angara. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.