Abante Tonite Interactive

Angara: ‘Pinas lalong kakapusin ng doktor

By ,
229

Nagbabala si Senador Sonny Angara sa posibilidad ng kakulangan ng mga doktor­ sa bansa dahil sa kabiguan ng Department of Budget and Management (DBM) na pondohon ang medical scholarship sa susunod na taon. Nangako naman si Angara na isusulong ang pagpopondo sa medical scholarship program. 

Ngayong taon, tumanggap ang Commission on Higher Education (CHED) ng P250 milyon para sa subsidiya ng tuition fee ng mga medical­ student sa walong state universities at colleges. Para naman sa susunod na school year, humiling ang CHED ng P167 million­ para sa programa subalit ibinasura ito sa 2019 National Expenditure Program ng DBM.

“Sisiguruhin po natin na mapopondohan ang medical scholarship­ program ng CHED. Six out of 10 Filipinos die without seeing a doctor, nurse or any other allied health professional. The lack and the maldistribution of doctors and healthcare professionals in the country is truly alarming,” saad ni Angara. Binigyang-diin ng senador na karamihan sa mga doktor at mga medical specialist ay nakapokus lamang sa mga urban center at malalaking munisipalidad subalit walang nagseserbisyo sa mga malalayong komunidad.

Abante Hiring – IT dep

Muli ring iginiit ng senador na napapanahon na upang ipasa ang kanyang Senate Bill 1157 na nagsusulong na isama sa medical scholarship program ang tuition at iba pang mga school fee, gayundin ang allowan­ces.