Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angara tinulak dagdag-pondo ng DepEd

0 32

Isinusulong ng Senate committee on finance na dagdagan ang pondo ng Department of Education (DepEd) at ng mga unibersidad at kolehiyo ng gobyerno sa panukalang P5 trilyon national budget para sa 2022.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng komite, ang dagdag-pondo ay bunsod ng inaasahang posibleng pagpapatupad ng face-to-face classes sa mas maraming eskuwelahan sa susunod na taon.

Sabi ni Angara, walang partikular na alokasyon sa panukalang budget para sa paghahanda at implementasyon ng face-to-face classes sa basic at higher education institution.

SM food to go Banner Ad

Sinimulan na ng DepEd noong Lunes ang pilot implementation ng face-to-face classes sa 100 pampublikong paaralan at sisimulan na rin ito sa 20 pribadong eskuwelahan sa Nobyembre 22.

Sabi ni Angara, dapat bigyan pondo ang DepEd at lahat ng state university and colleges (SUCs) lalo na’t inaasahang dadami pa ang mga paaralan na magbubukas ang klase sa susunod na mga buwan.

Nauna nang sinabi ni Angara na magdadagdag ang Senado ng P1 bilyon sa 2022 budget ng mga SUC at pampublikong paaralan sa 2022. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.