Abante Tonite Interactive

Angas ng Knights binalik ni Balanza

208

Bumalasa si Jerrick Balanza ng season-high 34 points upang ibalik-angas ang Petron-Letran Knights, pinaamo ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 114-101, sa 9th Philippine Basketball Association Developmental League 2019 eliminations Huwebes nang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

“Sabi nga namin before the game, we join this league to beat these kind of teams lalo na ‘yung mga wala pang talo. Gusto nila maghanap pa ng ibang liga, ito na ‘yung liga na para ma-recognize sila before going to the next level of basketball,” dada ni Petron coach Bonnie Tan. “This a good win for the team. Galing sa pagkatalo, magandang bounce back game.”

May rekado pa si Balanza na siyam na rebounds. Umalalay si Alvin Pasaol ng 27 mar­kers at 8 rebounds habang may 13 puntos si Jeremiah Taladua mula sa bench.

Akyat na sa 4-2 ang baraha ng Knights sa Aspirants Group. Nalasap ng Uste ang unang talo sa limang laro.

Gumapas naman si Rey Bienes ng 15 pts para sa ChaDao-FEU Tamaraws (3-3) para maiwasiwas ang Perpe­tual Altas (1-4), 83-64; at nagbalumbon si Calvin Oftana ng 18 pts. para buhatin ang MetroPac-San Beda (5-1) laban sa SMDC-NU (0-5), 94-86.(Fergus E. Josue, Jr.)