Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angas ni Baldwin sinuka ng KaTropa

0 204

Hindi na masisilayan sa pagbabalik ng PBA ang dating Gilas coach na si Tab Baldwin.

Ito’y batay sa mga report na sinibak na siya bilang team consultant para sa TNT KaTropa, base sa ulat ng Spin.ph.

Hindi klaro kung anong naging dahilan ng pagtanggal kay Baldwin, ngunit sa mga nagdaang linggo ay nasa hot seat ang top tactician ng Ateneo dahil sa mga kritisismo niya sa professional league.

Ilan sa mga patama ni Baldwin ay ang one import per conference format ng PBA, pagpanig ng mga referee sa mga reinforcement at tinawag pang ‘tactically immature’ ang mga coach sa liga.

Ilan sa mga pumalag sa maaanghang na pahayag ni Baldwin ay sina San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua, Blackwater sports director Ariel Vanguardia, NLEX at dati ring Gilas coach Yeng Guiao, Tim Cone ng Ginebra, Chito Victolero ng Magnolia at iba.

Ang mga kritisismo ni Baldwin ay hindi rin nagustuhan ng PBA kaya pinagmulta siya ng P75,000 at sinuspinde ng tatlong laro kapag nagbalik na ang liga. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.