Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angas ni Lee wa epek kay Abundo

0 124

KUMUPAS!

Matikas sa loob ng hard court ang ‘Angas ng Tondo’ na si Paul John Dalistan Lee, pero naubusan sa Philippine Basketball Association (PBA) 3-Point Shootout Charity Virtual Tournament para masilat ni Alvin Abundo sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok matchup nila, 149-104.

Kontrolado ni Abundo ang laban nitong Biyernes, Setyembre 4 base sa electronic sports format P250K tourney-for-cause. Nilampaso naman nitong Linggo, Set. 6 ni Kevin Ferrer si Paolo Taha sa pagtutuos ng magkarantso sa NorthPort Batang Pier, 207-94.

Related Posts

Una rito tinambakan noong Agosto 29 ni Earl Scottie Thompson si Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings teammate Mark Caguiao, 256-157, habang ibinaon ng buhay ni Robbie Herndon ang kakuwadra sa Alaska Milk Aces na si Mike Digregorio noong August 29, 203-120.

Umusad na rin sa next round si Chris Bitoon sa pagdemolis kay Diego Dario sa Aug. 30 game ng Blackwater Bossing ballers, 308-264, at minasaker ni Baser Amer si Meralco teammate Nard Pinto, 246-205.

Nasa 24 players ng 12 ball clubs ng liga ang mga kalahok sa mobile app game PBA Slam na ang P250K cash prize ihahandog ng team na magkakampeon dito sa mapipili nilang charity institution. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.