Abante Tonite Interactive

Angas ni Mitchel nag-alpas sa Jazz

0 117

Laglag-balikat na ­lumabas si ­Philadelphia 76ers guard Ben ­Simmons sa first halfl ng laro kontra Utah Jazz sa 74th NBA 2019-2020 regular season elims ­Miyerkoles nang gabi.

‘Di kinaya ni ­Simmons ang nananakit na kanang balikat.

Sa first quarter, hiningi ni Simmons ang bola sa post laban kay Royce O’Neale. Nakuha niya ang bola, humarap sa basket at tinangkang sumugod sa paint, pero pag-spin bumangga ang balikat sa dibdib ni O’Neale. Napangiwi sa sakit si Simmons, ­sapu-sapo ang balikat.

Naka-2 minutes lang sa second quarter si Simmons bago lumabas, may 2 points at 2 assists sa loob ng 10 minutes.

Bumalik na mula two-game suspension si big man Joel Embiid at nagsumite ng 27 points, 16 rebounds at 3 assists pero hindi naisalba ang Sixers sa 106-104 loss sa Jazz.

Tapos mawala ang star na si Embiid dahil sa pakikipag-away kay Karl-Anthony Towns ng Timberwolves, mukhang maglalaro na naman ang 76ers na kulang pa rin ng pamato. (VE)