Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angas vs NLEX nais ni Victolero

0 143

Clark Smart Giga City – Magkakabuhol sa 6th-9th ng 2020 Honda PBA Philippine Cup ang San Miguel Beer, Meralco, Alaska at Magnolia.

Pare-parehong nakakaisang panalo pa lang sa tatlong laro ang apat.

Unahan sa pagbawi ang Hotshots at Bolts sa first game mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles. Sa nightcap ay balyahan ang 2-1 Blackwater at Aces.

SM food to go Banner Ad

Nangingilo pa ang Hotshots sa sorpresang 87-81 loss sa Alaska noong Sabado, at ang Bolts sa 105-91 bugbog na inabot sa Ginebra kinabukasan.

“Kailangan lang siguro i-rediscover namin ‘yung kung ano ang ginawa namin in our first game,” ani Magnolia coach Chito Victolero hinggil sa 93-81 win sa NLEX. “Credit sa Alaska, they were really prepared for us and we couldn’t match their intensity lalo sa endgame.”

Inihanda ni Victolero ang mga bataan niyang sina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Jio Jalalon, Chris Banchero at Jackson Corpuz laban sa mga gigil bumawing squad ni Norman Black na babanderahan nina Baser Amer, Reynel Hugnatan, Chris Newsome, Cliff Hodge at Allein Maliksi. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.