Abante Tonite Interactive

Angat Pilipinas

By
718

Iba talaga ang pers­pektibo at pananaw na naibibigay sa isang turistang naglalakbay­ sa ibang bansa.

Kamakailan ay nakapagbisita ako sa kauna-unahang pagkakataon­ sa bansang Japan. Ako ay nagtungo doon upang suportahan ang aking anak na kabilang sa Team Pilipinas na lumaban sa Cheerlea­ding World Championships sa Takasaki, Japan.

Mula sa Takasaki, kami ay bumiyahe patungo sa Tokyo, capital city ng Japan. Napakaganda, maayos, at malinis ang kanilang bansa.

Kahit saan ka tumi­ngin wala kang makikitang kalat o basura. Wala ka rin malalanghap na usok, alikabok, o polusyon maski nasa sentro ka ng siyudad. Napakabilis din ng internet connection.

Maayos ang sistema ng transportasyon lalo na ang kanilang tren o Japan Rail (JR).

Walang trapik at hindi na kailangan ng sasakyan sapagkat sa tren pa lang maaari ka nang bumiyahe kahit saan mo gusto pumunta, hanggang sa kanilang mga probinsya.

May maayos na mga bike lane sa mga sidewalk para sa gustong magbisikleta papuntang trabaho o eskwela.

Hindi ka rin makakaramdam ng kaba o takot sa mandurukot sapagkat napaka-honest ng mga tao sa Japan.

Maski maiwan mo ang iyong bag sa kalye, asa­han mo na ‘pag binalikan mo ito kinabukasan ay walang gumalaw o mawawala na gamit.

Gano’n ang disiplina­ ng mga citizen ng Japan. Nakakatuwa rin makita na maging ang mga Grade 1 na estudyante ay marunong na mag-commute o sumakay ng tren mag-isa patungo sa eskwela.

Sa aking pag-iikot at pakikipag-usap sa mga Filipino community sa ibang bansa, marami akong natututunan.

Napag-alaman ko na ang dahilan kung bakit masyadong solid­ ang suporta ng mara­ming mga OFW sa isinusulong na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil gusto nila makita na uma­­ngat ang antas ng Pilipinas kagaya ng nakikita nila sa ibang bansa.

Sa kabila ng mga pagsubok na ito marami pa rin ang nagha­hangad at hindi nawawalan ng pag-asa na balang araw ay papantay din ang antas ng ‘Pinas sa husay ng sistema sa ibang bansa.

Kung ang mga mata ng ating mga mamamayan sa loob ng bansa ay mabubuksan lang ang pananaw sa nakikita ng mga OFW sa ibang bansa, marahil ito ang ma­ging susi sa pagbabagong hinahangad nating lahat.

***

Maraming salamat sa mga Radyo OFW supporters na na-meet ko nang personal sa Japan: Ms. Raion Enikose, UNMASK founder Vey Marquez, Unmask Globally United KP NCR Yokohama Tok­yo, United Filipino Eagle Community (UFEC) Lizli­za Ceriales Rances, EnJie Amayim, Love Rose. Domo Arigatou!