Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angat, San Roque, Pantabangan kapos sa tubig

0 73

Nababahala ang isang opisyal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kalagayan ng imbak na tubig sa tatlong dam sa Luzon.

Ayon kay PAGASA hydrologist Sheila Schneider, malabo pa rin na tumaas ang water level sa mga dam sa Angat, San Roque, at Pantabangan hanggang sa katapusan ng Nobyembre dahil na rin aniya sa rainfall shortage.

“Water level there has been so low so those dams need a lot of water to recover,” aniya pa.

Sa mga nasabing dam kinukuha ang tubig na kailangan para sa irigasyon at power generation sa Luzon. Galing din sa Angat Dam ang suplay ng tubig sa Metro Manila. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.