Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel ayaw nang maging aparador beauty

0 153

NI: ARCHIE LIAO
Nagbigay ng wish list si Angel Locsin ngayong 2021.

Isa sa panalangin ay walang maging aberya pagdating sa weather ang kanyang wedding this year sa fiance na si Neil Arce. Sana raw ay ‘wag umulan.

Kasama rin sa wish niya ang mawala na ang COVID-19 pandemic at maibalik na ang prangkisa ng ABS-CBN.

SM food to go Banner Ad

Nasa listahan din niya ang nawa’y manalo sa lotto, pumayat. Ayaw na niyang maging aparador beauty.
Wish din niyang gumanda ang takbo ng ekonomiya. Malunasan ang corruption, gumanda ang kapaligiran, madagdagan ang trabaho at mag-improve ang edukasyon, mawala ang nagugutom, nagkakasakit, masasaktan, at mga nang-aabuso.”

Sa huli, humingi siya ng patnubay sa Diyos na gabayan siya at ang buong mundo na tanging nakakaalam ng kapalaran ng bawat tao.

Matatandaang ilang beses nang na-bash ang aktres at naging biktima ng body shaming dahil sa kanyang pagtaba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.