Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel b-day pantry, 3 na nagpositibo

0 393

Kinumpirma ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na dalawang babae na pumila sa birthday community pantry ng aktres na si Angel Locsin, ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay CESU Dr. Rolando Cruz, ang mga nagpositibo ay nasa edad 42 at 43, kapwa residente ng Brgy. Holy Spirit. Dagdag pa rito ang 11-anyos na anak ng isa sa kanila, na nagpositibo rin kahit hindi sumama sa pantry.

Sinabi ni Cruz na magsasagawa na rin sila ng contact tracing sa iba pang miyembro ng pamilya ng mga nagpositibo.

Sa huling tala, 62 katao sa mga pumila sa community pantry ni Locsin ang kanilang naisalang na sa COVID-test.

Patuloy ang apela ni Cruz sa mga dumalo at pumila rito na magtungo sa kanilang tanggapan at sumailalim sa libreng swab test upang maiwasan ang hawaan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.